Chapter 3

47 3 2
                                    

"Ano na naman 'yang mga pinagkukukuha mo? Wala naman sa listahan 'yan?" tanong ko kay Tania.

Kung anu-anong nilalagay sa cart namin na mga chips. Nasa snacks section kami at kanina pa kami nandito dahil hindi siya natatapos sa pagpili sa kung anong gusto niya. Parang nalilito pa siya dahil sa sobrang daming choices.

"Konti lang, para sa kwarto ko. Hindi ka naman kumakain nito eh. Iyong BLT sandwich mo nga, less bacon pa. Tama ba iyon, ha? Kaya nga B-L-T kasi nga, bacon, lettuce and tomato. Tapos kulang na lang gawin mong "LT" na lang ang BLT." andami niyang sinabi.

Hindi talaga ako mahilig sa junk food. Hindi ako nasanay na kumain ng nga mabilisang pagkain maliban na lang talaga kung kailangan at wala na akong choice. Nagluluto naman kasi ako kaya hindi nawawalan ng matinong pagkain sa bahay.

Siya naman ay kabaligtaran ko. Hindi siya mapakali sa bahay pag walang kahit anong makukutkot. Chips man 'yan, cookies o kahit na anong pagkain na hindi healthy. Hindi ako madalas kumain sa fast foods. Kung kakain man ako ro'n, doon ako sa pinaka safe na pagkain, like vegan or vegetarian.

Hindi rin ako mahilig uminom ng kahit na anong soda. Iinom man ako, occasionally. Kung sa ibang tao, alak ang iniinom nila ng occasional, sa akin naman ay softdrinks.

Kumakain naman ako ng karne pero kailangan ay laging may kasamang gulay. Hindi ako pwede na puro karne lang dahil mauumay ako.

Hindi naman ako ganito noong bata pa ako. Siyempre pag bata ka lahat ng makikita mong mukhang masarap ay gusto mong tikman at kainin. Pero noong medyo nag ma-mature na ako ay naging conscious na ako sa mga kinakain ko. Nahilig na akong magbasa ng mga health and wellness books.

"This is so unhealthy." patukoy ko sa malaking bag ng chips na binato niya sa cart.

Tinitingnan ko pa lang iyon ay parang nasusukat ko na kung gaano karaming asin meron sa loob niyon. Hinawakan ko ito at bahagyang itinaas para ipakita kanya.

"Minsan lang naman, eh." kontra niya.

"Hindi ako naniniwala sa minsan mo. Every two weeks tayong nag go-grocery. At kada mag go-grocery ka, lagi kang may mga pa-ganito. Hindi ka pa ba nakokontento sa mga niluluto ko sayo? You can have your snacks without eating these."

"Kontento? Paano ako makokontento sa gulay, Tash? Carrots, celery, kamote, pipino at kung anu-ano pang mga gulay ang snacks mo na isinasawsaw mo pa sa hummus o sour cream. Hindi ko mae-enjoy iyon. Pati nga 'yong biscuit na pinakain mo sa akin kaninang umaga ay iyong healthy na biscuit na hindi ko naman gusto. Para akong kumakain ng karton." Patukoy niya sa wheat biscuits na meron kami sa bahay na ako lang naman ang kumakain.

'Nakakain na kaya siya ng karton?'

Napangisi ako sa naisip.

"Because that's the only thing left in the fridge. Hindi ka pa nag grocery, remember?" inis na sabi ko.

"Ito na nga, diba?" inis din na sagot niya.

"Enough na. You already have six bags of chips." napuno na iyong cart namin dahil sa mga malalaking bag ng chichirya na nandoon.

"Oo, last na 'to, promise." Hindi pa siya nakontento at dinagdagan niya pa ng dalawa pa. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Nang aasar. "Ikaw? Wala ka bang gusto?"

"Wala."

"Punta tayo doon sa mga candy section. May gusto akong flavor ng gummy bears eh. Noong nakaraan na nagpunta tayo rito wala daw, out of stock." Anito at saka nagmadaling maglakad.

Napaikot ang mata ko dahil sa huling hirit niya. Nagtungo naman kami doon.

Pagkarating namin doon ay mga bata ang kasama niyang mamili. Napangiti ako nang makita ko ang isang batang babae na pilit inaabot ang lollipop sa mataas na bahagi ng candy rack. Pero dahil maliit siya ay tumatalon-talon siya pero hindi niya pa rin makuha. Nakangiti ko naman itong nilapitan.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon