Chapter 8

53 2 0
                                    

Nang tuluyan akong makapasok sa library ay nagtungo agad ako sa lugar kung saan ako madalas na umuupo pag nandito ako. Nakita ko namang bakante iyon kaya umupo agad ako.

Hindi ko alam kung bakit parang pang capital punishment ang ginawa kong pagkuha sa mga bulaklak na iyon at grabe ang kabog ng puso ko. Inilapat ko ang kanang kamay ko sa dibdib ko at pinakiramdaman ang mabilis na tibok niyon. Ilang beses pa akong huminga ng malalim at nagbabaka sakaling mawala o mabawasan man lang 'yon pero bigo ako.

Kinuha ko na lang ang librong kanina ay binabasa ko at pinagpatuloy iyon na basahin. Maya't maya rin ang daan ng mga estudyante sa tapat ko dahil nagsisipagkuha sila ng mga librong kakailanganin nila. Nakaupo kasi ako malapit sa mga sheleves. May ilan rin na nakakakilala at bumabati sa akin kaya nginingitian ko naman ang mga ito.

Maya't maya rin ang sulyap ko sa bulaklak na nasa table na para bang pakiramdam ko ay may ibang kukuha no'n. Iniisip ko na nga kung papaano ko bang maitatago 'yon sa bag ko nang hindi iyon masisira dahil pag nalaman ni Tania na kinuha ko rin naman 'yon sa kabila ng pag iinarte ko kanina ay katakot-takot na pang aasar ang aabutin ko at baka kung ano pang isipin niya.

Hindi naman porque kinuha ko iyon ay ibig sabihin ay gusto ko na ang binabalak ni Sage. Gusto ko lang talaga 'yong bulaklak at wala ng iba.

Nagbabasa lang ako nang biglang mag vibrate ang phone ko.

'Akala ko ba may klase pa siya?' Ang bilis namang matapos.'

Kinuha ko iyon sa bag ko at nagtaka na ibang pangalan ang nakarehistro do'n at hindi si Tania. Kinancel ko ang tawag at saka ko siya tinext para magtanong kung anong kailangan niya at bakit siya tumatawag.

Hindi nagtagal ay natanggap ko ang reply niya at sinabing nandito daw siya sa school at nasa cafeteria siya. Inayos ko ang mga gamit kong nasa table at nilagay sa bag ko kasama ang kumpol ng bulaklak at saka ako lumabas ng library para puntahan siya.

Pagkarating ko do'n ay hinanap agad siya ng mata ko pero bigo akong makita siya dahil sa laki ng cafeteria ay sobrang dami ring tao na bukod sa mga nakapila para um-order ng pagkain nila dahil break time nila for snacks ay may mga iba ring wala ng klase na gusto lang tumambay rito sa loob at nagpapatay ng oras.

Habang mabagal kong hinahakbang ang mga paa ko at panay ang ikot ng paningin para makita siya ay may biglang isang matangkad na lalaking tumayo sa harap ko sa hindi kalayuan. Napangiwi ako nang makita ko ang mukha niyang nakangisi at bigla na lang na inilahad ang mga braso na para bang nag aabang na makalapit ako para mayakap niya.

Doon ko lang rin napansin na ilan sa mga babaeng nasa table na kinauupuan niya ay ang mga barkada ni Gracey na nanliliit ang mga matang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko nang bigla nalang dumating ang leader nila at biglang humilig sa kaliwang braso niya. Akma pa sana niyang ililingkis ang mga kamay niya sa braso nito pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa lalaki kaya bago pa man magawa ng babae ang gusto niya ay tumaas ang kilay ko sa lalaki at siya na mismo ang nag alis ng ulo nitong nakasandal sa balikat niya bago siya lumapit sa akin. Nakita ko pang sumama ang mukha ni Gracey nang gawin sa kanya iyon ni Khai kaya padabog siyang naupo at mukhang nagrereklamo sa mga kasamahan niya.

Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay yayakap na sana siya pero agad akong nagtanong bago niya pa iyon magawa.

"Anong ginagawa mo rito at saka bakit kasama mo 'yang mga 'yan?" lumawak ang pagkakangisi niya na para bang gusto niya ang naging reaksyon ko.

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay niyakap niya ako nang mahigpit pero hindi ko iyon ginantihan. Parang balewala rin ang tanong ko sa kanya. Hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa grupo ng mga babae na masamang nakatingin sa akin. Nang hindi naman ako gumanti ng yakap ay siya na mismo ang kumalas at saka ako binalingan ng tingin.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon