Chapter 11

34 0 0
                                    

"So...nagdate nga kayo ni Sebastian kanina?" nakangising tanong na naman ni Tania sa akin. At siyempre pa dahil siya si Natania Aireen, ay paulit-ulit siya hanggang sa marindi ako!

Nandito kami ngayon sa YOLO dahil wala na kaming klase pareho kaya napag desisyunan na lang namin na tumulong dito. Buti na nga lang at dumating kami dahil ang daming tao ngayon. Hindi lang puro estudyante ng Eastwood ngayon ang nandito kundi pati na rin ang mga kalapit na universities.

"That wasn't a date, Tania. Bakit ba ang kulit mo?" inis na sagot ko.

Nagliligpit kami pareho ng mga paper cups sa mga table para may maupuan na ang iba pang mga dadating. Halos kape lang naman at ice cream ang order ng karamihan kaya nandito lang kami sa dining area ngayon at hinayaan na namin si Barry sa kaha at si Nics naman na taga-gawa ng order.

"Eh, bakit parang pagbalik niyong dalawa, eh nag-bloom ka bigla na parang bulaklak? At saka...bakit ba kayo magkasama kasi? At saka oo nga pala-" tumigil siya sa ginagawa niya at saka namewang sa akin. "bakit ka nagcut, eh hindi mo naman gawain 'yon?" Sa dami ng tanong niya at hindi ko na alam kung anong uunahin ko.

"Nakita ko kanina si Mommy." sa kabila ng lahat ng tanong niya ay wala akong sinagot ni isa. Nagugulat naman niya akong nilingon ulot at nang magtama ang mata namin ay lungkot na ang nabasa ko rito.

"Sa school?" takang tanong niya

"Oo, kanina sa parking. Pupuntahan daw niya si Miss Minerva."

"So may sadya lang talaga siya kaya siya nagpunta?" tango na lang ang ginawa ko bilang sagot at saka nagpatuloy sa ginagawa ko. "Tss... Nakakapunta naman pala siya sa school, eh. Tapos kahit minsan hindi man lang niya tayo magawang kitain, alam naman niyang doon din tayo nag-aaral." mapaklang sabi niya. Hindi na lang ako kumibo. "Eh, kumusta ka naman?" tanong niya nang maramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

Bahagya naman akong ngumiti bago siya binalingan. "Okay lang naman ako." paninigurado ko dahil tunong nag-aalala talaga siya. Alam niya naman 'yon na pag tungkol sa Nanay namin ang usapan ay nag-iiba ang timpla ko. "Pero siyempre...sa dinami-dami ng lugar kung saan ko siya pwede makita, eh doon pa. I wasn't ready. It needs a lot of mind conditioning sa tuwing maiisip kong makikita ko siya o baka sakaling makita ko siya sa isang lugar kaya lagi akong may mga baon na sasabihin sa kanya para kontrolado ko. Pero sa mga gano'ng pagkakataon, hindi ako handa. Aaminin kong may mga nasabi akong alam kong nasaktan ko siya." mahabang litanya ko.

"Will you be okay?" nag-aalalang tanong niya ulit. Ngumiti ako nang mgtagpo ang mata namin bago tumango at siniguradong magiging okay rin ako.

At totoong walang lumipas na araw na sa tuwing lalabas kami ng bahay ni Tania, sa publikong lugar man kami pupunta o kahit papasok lang sa school ay lagi kong ipinapalaala sa sarili ko na kailangan handa ako. Maliit lang ang mundo at alam kong kahit saan ay posibleng magtagpo ang mga landas namin.

Kinukundisyon ko rin palagi ang utak ko dahil alam kong kapag nagsalita ako ay hindi na ako nakakapag-isip pa nang tama at nakakapag-pigil dahil galit pa rin ang umiiral sa akin. Alam kong hindi ko maiiwasan na makakasakit ako nang dahil lang sa mga bibitawan kong salita.

Ewan ko ba kanina kung bakit hindi ko nakuhang ipaalala 'yon sa sarili ko. O baka ganoon lang talaga ang initial reaction ng taong nasaktan at iniwan kapag nakita na nila 'yong taong gumawa noon sa kanila. Iba pala talaga kapag nandoon ka na sa sitwasyon.

Niyakap ako ni Tanina kahit na nakatagilid ako sa kanya at ipinatanong naman niya ang ulo sa kanang balikat ko.

"Ako Tash, never kitang iiwan, itaga mo 'yan sa bato." hinalikan pa ko nito sa pisngi bago siya kumalas sa yakap. "Kaya ilibre mo ako mamaya." nakakalokong bulong niya sa tenga ko na ikinatawa ko naman.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon