Maaga kaming gumising ni Tania para gumayak dahil pinapatawag kami sa kabilang bahay. Linggo ngayon at medyo puyat ako dahil gumawa ako ng fessib kahapon. Kahit na umalis na sila Bie ay hindi pa rin ako napatid dahil ni-revised ko na ang mga kailangan baguhin. Nasa bahay ang mga kagrupo ko kahapon para gawin iyon. Ginabi na nga rin sila umuwi. Mas nauna lang umuwi sila Gav at Sage dahil nagpatawag ng meeting si Coach Yap at kailangan nilang pumunta ng school.
"Bakit kaya tayo pinapatawag sa bahay? Biglaan naman ata." tanong sa akin ni Tania. Nagkibit balikat naman ako bilang sagot.
Wala rin akong ideya. Wala rin namang nabanggit sila Daddy sa amin na may importanteng bisita. Dumating na sila Daddy noong nakaraang araw pero kahapon lang namin nalaman dahil naging abala siya sa trabaho pagkauwi nila ni Kuya.
Nang matapos kaming mag almusal ay naligo na kami pareho.
Nagbihis lang ako ng smart casual na damit. Powder blue na smart pants at white na longsleeve na tinuck-in at tinupi ko ang manggas hanggang sa siko at tinernohan ng white sneaker shoes. Kumuha rin ako ng knitted sweatshirt na color gray at saka maayos na ipinatong iyon sa balikat ko bago ko binuhol nang bahagya ang manggas niyon sa bandang dibdib ko. Naglagay lang ako ng maliit na silver hoop earrings para sa accesories at saka nagsuot ng relo. Pinalitan ko rin ang ibang hikaw ko. Pito ang butas ng tenga ko pero hindi ko naman malagyan ang lahat ng iyon dahil bawal sa school.
Pinasadahan ko pa sa salamin ang hanggang leeg kong buhok na hinayaan ko lang na nakalugay. Sinuklay ko pa iyon gamit ang kamay bago ako lumapit sa black handbag na dadalhin ko.
Napaismid ako sa hand bag na nasa harap ko dahil hindi ko naman masyadong ginagamit iyon at madalas akong naka backpack. Pero iyon lang ang bag na babagay sa suot ko. May long strap naman iyon kaya ayos lang. Katamtaman lang ang laki noon at sakto lang sa mga abubot na dadalhin ko.
Chineck ko pa ang loob kung kompleto na ang mga gamit ko bago ko sinara at naglakad papunta sa pinto.
"Natasha!" rinig kong sigaw niya sa ni Tania sa kabilang kwarto.
"What?" sigaw ko pabalik bago ko sumilip sa pinto ng kwarto niya. Nadatnan ko siyang nakaharap sa salamin at kunot ang noo na nakayuko sa kung ano mang bagay ang hawak niya
"Pakisuot naman 'tong kwintas ko. Nahihirapan ako, eh."
Nang lumapit ako sa kinarorooanan niya ay ang kwintas na regalo ko sa kanya ang problemado niyang hawak. Paborito niyang isuot iyon pero hirap din siyang isuot dahil may special lock iyon na hindi katulad ng mga nasa normal na kwintas.
Small heart shaped iyon na white gold na sadya kong i-dinrawing para kakaiba ang hugis. Hindi iyon pantay na pantay dahil pinacustomized ko pa iyon. Regalo ko iyon sa kanya noong mag 18th birthday kami. Simple lang pero hindi ko inaasahang iyon ang magiging paborito niya sa dami ng kwintas na meron siya. Mahilig kasi siya sa mga alahas.
"Alam mo kasi nakalimutan mong samahan ng tagasuot 'to noong binigay mo sa akin." nanlalaki pa ang butas ng ilong niya habang nagrerklamo.
"Ang arte mo naman!" inis na sabi ko. Nakangiwi naman niya akong inirapan.
Nang matapos ko iyon na ilagay ay tiningnan ko pa siya sa harap ng salamin. "Hindi naman bagay sayo." pang aasar ko dito. Bago tatawa-tawang naglakad palayo sa kanya. "Bilisan mo na at baka hinihintay na tayo nila Daddy. Magagalit iyon kapag late tayo." sabi ko pa bago lumabas ng kwarto niya.
Nang makababa ay dumiretso agad ako sa labas ng bahay para painitin na ang kotse.
Hindi nagtagal ay nakita ko na ring siyang palabas ng pinto. Nakasuot siya ng itim na vintage dress na hanggang tuhod ang haba. Pinusod niya ang kalahati ng buhok niya gamit ang puting ribbon. Mukha siyang mabait tingnan sa suot niya ngayon.
BINABASA MO ANG
CHANGE OF HEART
Teen FictionMaraming tao ang pwedeng makapagparamdam sayo na iba ka sa kanila dahil lang iba ang preference o gusto niyo sa buhay. Pero maswerte ka kung maraming tao ang tumanggap at umintindi sayo dahil kilala nila kung sino at ano ka. But in my case, tingin...