Chapter 14

25 0 0
                                    

Dumaan at tumakbo pa ang mga araw na naging abala kami sa ilang subject. Malapit na rin naming matapos ang feasibility study namin. Hindi naman kami masyadong nahirapan dahil sa awa ng Diyos ay kaunti lang ang revisions namin. Sa susunod na linggo ay unang defense na namin bago pa ulit mag-final revision para sa final defense namin sa susunod na buwan.

Mas maaga kaysa sa inaasahan ang pagtapos namin sa group work na 'to dahil iyon talaga ang hiniling namin sa professor namin para mas makapag focus na kami sa major subjects namin sa mga susunod pang linggo. Malapit na rin kasi ang foundation at kaming mga HRM students ang inaasahang mag oorganized noon.

Malaking program 'yon dito sa school at talagang inaabangan ng lahat. Lahat ng course at colleges ay may kanya kanyang gimik.

Kaming mga HRM student ang laging naka-assign na mag-ayos ng venue dahil may subject kaming Events Management. Malaking factor rin na maganda ang maging outcome ng project namin na 'to dahil bukod sa major subject namin, ay ito din ang practical exam namin sa Prof.

Abala na rin ang iba sa paghahanap ng pag-o-ojt-han para sa darating na bakasyon bago ang second sem. Ilang buwan pa naman iyon pero kailangan na naming asikasuhin. Kailangan namin makatapos ng 300 hours dahil iyon ang required sa curriculum. Hindi pa naman ina-allow na mag-overtime ang mga OJT students kaya matagal-tagal din naming bubunuin ang oras na kailangan. Kaya malamang ay habang nag-aaral kami at pumapasok sa school ay may mga oras pa rin kaming magtatrabaho at alam kong hindi iyon magiging madali para sa amin.

"Saan mo pala balak na mag apply, Tash?" masayang tanong ni Mitch sa akin.

Nasa library kami ngayon at tinatapos ang written project namin sa baking class na kailangan namin ipasa sa isang linggo. Ayaw kasi namin na nagka-cram kaya noong ibinigay samin ito noong isang araw ay inumpisahan na namin agad.

Kailangan naming gawan ng description ang lahat ng cakes at pastries na ibinake namin sa mga nagdaan na linggo. Kumabaga, para kaming gumagawa ng blog regarding sa product na ginawa namin. Twice a week ang baking class namin kaya medyo marami-rami rin 'to.

"Hindi ko pa alam eh. Kayo ba?" sagot ko nang hindi siya nililingon at nakatuon lamang ang mga mata sa laptop.

"May family friend kasi kami na may-ari ng hotel. Maliit na hotel lang iyon. Kinausap na ni Mommy yung owner kaya baka doon ako. Excited na nga akong mag-umpisa, eh."  Tumango ako bago ko siya sinulyapan.

Halata ang excitement sa mukha niya. Tahimik lang lagi 'yan si Mitch kaya natutuwa ako kapag naeexcite siya sa mga ganitong bagay. Hindi kasi siya mahilig makihalubilo sa ibang tao maliban sa amin kaya bago sa akin na natutuwa siya sa mga ganitong pagkakataon na makakaencounter siya ng ibang tao.

Binalingan niya naman ng tingin ang katabi.

"Ikaw Bie?"

"Sa isang restaurant sa Greenbelt ako mag-oojt. Kaibigan ng Mommy ko ang may-ari kaya doon niya ako pinapasok. Interview ko na nga sa isang araw, kinakabahan ako." nakangusong kwento niya.

"Bakit ka naman kakabahan, eh sure naman na makakapasok ka doon dahil kaibigan 'yon ng Mommy mo." segunda naman ng babae.

"'Yon na nga eh. Mas mahirap gumalaw dahil kilala nila ang mga magulang ko. Siyempre respetadong newscaster ang Nanay ko. Ayaw kong magkaroon ng bad impression sa akin. Grabe kaya ang pressure! Paano kung isipin nila na dinaan ko lang sa suhol kaya ko nakapasok? Siyempre unfair naman iyon sa mga ibang nagtatrabaho at nag-oojt doon kung meron man maliban sakin." Mahabang litanya niya.

"Hindi naman siguro sila mag-iisip ng gano'n... Basta marunong ka lang makisaman sa mga tao doon, wala naman siguro silang magiging problema sayo. Iwasan mo lang ang pagmamaldita. Matabil pa naman ang bibig mo." pangaral ni Mitch sa kanya.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon