CHAPTER 1

51 4 0
                                    

Maaga akong nagising kasi lunes na ngayon may pasok na kami, pero dadaan muna ako sa simenteryo bago tumuloy sa school.

4th Death Anniversary kasi ng mama kaya pupunta ako.

Paglabas ko ng bahay nagulat ako ng makita si Shiero sa labas ng bahay nakasandal sa motor niya. Lumapit naman ako sa gawi niya.

"Ang aga mo ah. Ba't ka andito?" takang tanong ko.

"Kasi alam kong maaga ka ngayon kaya napa-aga rin ako.." pa cool na sabi niya.

"Pano mo naman nalaman? Wala akong natatandaang sinabi ko sayo na maaga ako ngayon.."

"Kasi 4th death anniversary ngayon ni tita kaya alam kong maaga ka dahil dadaan kapa sa simenteryo." nakangiting aniya.

Natatandaan niya pa pala. Lagi kasi siyang sumasama kapag dadalaw ako kay mama tapos alam din niyang lagi akong maagang pumupunta roon kapag anniversary ng mama bago tumuloy sa school.

"Oh tara na. Baka malate tayo.." wala na kong nagawa sumakay nalang ako sa likod niya at pinaandar niya naman agad ang motor.

Si Shiero pala ay bestfriend ko mula ng elementary, lagi kaming classmates kaya laging ko siyang kasama ngayong grade 11 lang nahiwalay dahil STEM siya at ABM ako, Engineering kasi gusto niya ako naman accounting. Wala akong mga kaibigan bukod sa kaniya at kay Ayyiela na classmates ko ngayon.

Sila lang ang mga kaibigan ko dahil hindi naman ako pala kaibigan, ayaw kong ako yung nauuna kasi baka hindi ako pansinin, pero kung ako yung uunahan, bakit naman ako tatangi, pero sa totoo lang kontento na ako sa dalawa kong kaibigan, ayaw ko ng madag-dagan pa.

Nakarating agad kami sa simenteryo kaya bumaba na ako at naunang naglakad papunta sa puntod ni mama.

"Hi po ulit tita!" masiglang bati ni Shiero. Magkasundo rin kasi sila noong nabubuhay pa si mama, kasi laging nasa bahay si Sheiro non.

Inilagay ko sa tabi ng pangalan ni mama yung dala kong bulaklak saka nilinis para makita ng malinaw yung name.

"Mama, kamusta na po kayo? Miss na miss ko na po kayo. Sana masaya kana po ngayon kung nasaan ka man."

"Ako po wag niyo na po kong alalahanin ha, malaki na po ako tsaka kaya ko na po ang sarili ko..."

"Opo wag niyo na po siyang alalahanin, ako napong bahala sa kaniya!" sabat naman ng isa. Inirapan ko nga.

Moment ko to e, sumisingit. Natawa naman siya.

"Kaya ko na po ang sarili ko kasi tinuruan mo kong maging matatag.. Lahat ng tinuro mo po sakin ay hindi ko makakalimutan.." nakangiting ani ko na

Nagtagal pa kami ng ilang minuto roon bago kami tumuloy na sa school. Ng nasa gate na kami ay nakasabay namin si Aye.

"Hi, morning!" bati niya.

"Morning din!" sabay na sagot namin ni Shiero.

"Nakatulog kana ng maayos Aye?" tanong ni Shiero na ipinagtaka namin ni Aye.

"Oo naman, bakit?"

"Kaya pala ang lulusog ng eyebags mo." natatawang ani ng isa. Nagsisimula na naman mang asar to.

Napahawak naman si Aye sa eyebags niya saka ngumuso.

"Nanood ka na naman ng K-drama no?" pang-iintriga ko.

"Mm....." lalo naman siyang ngumuso, ang cute haha.
Adik kasi to sa k-drama eh, kaya laging puyat.

"Sus yang mga oppa niyo? Walang sinabi sakin yun. Lamang lang sila ng isang paligo sakin!" napa-ubo naman si Aye. Natawa tuloy ako sa naging reaction niya.

The Love Of EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon