CHAPTER 42

6 0 0
                                    

"What happened? Umiyak kaba?" alalang tanong ni pres ng bumalik ako sa table namin kanina na namamaga pa ang mata ko dahil sa pagiyak namin ni Shiero kanina.

Speaking of Shiero, umuwi na nga pala siya pagkatapos naming magusap sa may hagdan ng building namin.

Kampante akong magaan na ang loob niya ng maghiwalay kami kanina pero di ko maitatange na alam kong nasasaktan parin siya sa ginawa niyang pag-amin kanina.

Nasasaktan lang ako para sa kaniya dahil una palang kahit alam niyang wala na siyang aasahan sakin ay sinabi niya parin at nasasaktan ako para sa kaniya dahil hindi ko 'yon magagawang suklian gaya ng nararamdaman niya sakin.

Tumango ako kay pres an naupo sa upuang katabi niya. "Wala to, okay lang ako.."

"Tell me what happened?"

"Wala naman nagusap lang kami,"

"Then why did you cry?" hindi siya convinced na walang nangyari.

"Pres, may tanong ako.."

"What is it?"

"Kapag ba alam mo ng wala kang pagasa sa babaeng gusto mo ay sasabihin mo parin sa kaniya na gusto mo siya? Aaminin mo ba sa kaniya ang nararamdaman mo kahit alam mong malabong masuklian niya ang nararamdaman mo?" kumunot ang noo niya sa tanong ko at natahimik sandali.

"Even though i know it's hopeless?" tumango naman ako. "I think yes. I will still admit to this girl that I like her because if I keep my feelings for her, I won't be able to say what I feel and it will only hurt me."

"Kahit masaktan ka?"

"Uh-uh. I have to accept it because i choose to tell her even i know there's no hope. That's how life goes on, sometimes we need to be hurt just for the happiness of others."

"Pero masakit rin ang makapanakit ng hindi sinasadya at lalong mas masakit ang makapanakit ng hindi mo namamalayang nakakapanakit ka na pala ng hindi mo alam.."

"Why? Did he confess to you?" mayamaya'y tanong niya, nakatungong tumango ako.

"Mm, at nasaktan ko ang kaibigan ko.." nagsimula na namang tumulo ang luha ko sa aking kamay, lumapit siya sakin at pinahid ang luha ko.

"You rejected him?"

"Di ko naman s-sinasadya.." napapahikbi na namang ani ko, pinasandal niya ako sa dibdib niya at umikot ang kaniyang braso sa likod ko at taas-babang hinagod iyon para patahanin ako.

"Shh, don't cry." paghihili niya sakin.

"Kahit hindi ko pa sinasabing wala siyang aasahan sakin dahil hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kaniya ay alam niya na agad at tanggap niya na hindi na lalampas pa sa pagkakaibigan ang relasyon namin.."

"He's a strong man, then.."

"You think so?" tumango siya.

"Yeah. He new in the first place that he'll be rejected but still he tried his luck."

"Pero nasaktan ko parin siya, pres.."

"Shh, it's okay. He will surely be okay. I bet his heavy feeling gone by now that he let you know what he feels for you, but, we can't deny the fact na masasaktan talaga siya kasi fresh pa ang lahat." somehow, gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Sana nga maging okay na siya. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang do'n pero sana din hindi niya lagyan ng pagitan at limit ang mga gagawin niya at maging normal lang ulit siya gaya ng dati kahit na alam kong hindi niya iyon makakalimutan agad at hindi iyon magiging madali sa kaniya lalo pa't alam kong first heartbreak niya 'yon, ang masklap pa ay sa akin niya naramdaman 'yon.

The Love Of EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon