"Cheeeennnn!!!" gulat na napalingon ako sa sumigaw na kakapasok lang, nakita kong nagaalalang nakatayo si Aye sa may pinto kasunod si pres.
"A-Aye!" tumakbo agad siya papunta sakin at niyakap ako. OA na naman to. "A-Ahhh!!" daing ko ng aksidenteng mahawakan niya ang paa kong naka patong sa may unan. Naalarma naman siya at umiwas agad.
"Hala! Sorry, Chen! Ano ba kasing nangyari at nagkaganyan ang paa mo!?" magsisimula na namang manermon to kaya hinahanda ko na ang tenga ko.
Kinuwento ko naman agad ang nangyari kagabe kaya naging ganito ang paa ko.
Nahiya pa ako ng banggitin ko ang dahilan kung bakit ako natapilok dahil sa bato.
"Eh bakit ka nga naman kasi naglalakad habang nakatingin sa taas? Pwede mo namang gawin ang stargazing na yan kapag nasa harap ka na ng bahay mo dba?!" napanguso nalang ako.
"Ang clumsy mo talaga minsan no!? Habang sa paglalakad mo pa talaga naisipang tumunganga sa kalangitan sa gitna ng gabe, eh no!?" mas lalo lang akong nahiya dahil sa katangahan ko. "Minsan di ko mahulaan ang trip mo sa buhay, Chen! Kaya pala hindi ka manlang makatayo sa inuupuan mo kanina akala ko talaga tinatamad kalang tumayo o bet mo lang talagang umupo buong araw kaya hinayaan ko nalang kahit naweweirduhan na'ko sayo kanina! Tapos may dala ka pang kahoy!? Ha!" Naiinis na nga siya. Sinasabi ko na ngaba eh. Pero alam kong nagaalala lang siya kaya ganito na naman ang kaibigan ko. May isa pa pala. May sermon pa pala akong hihintayin mamaya.
"Bakit di mo sinabi sakin agad? Kung di ko pa tinatanong kay pres dahil sa naguguluhan na talaga ako sa inaasta mo kanina sa room di ko pa malalaman!" napatingin naman ako kay pres na nakaupo lang at nakapikit habang naka cross ang mga braso sa dibdib. Nakosensya na rin ako, dahil nagiging abala na talaga ako sa kaniya.
"S-sorry na. Ayaw ko lang kasing magaalala kayo eh! Kita mo ngayon, nagiging OA ka na naman." nakangusong ani ko habang nasa kamay ko ang paningin.
"Wow! O-OA!? Ako!?" tumango naman ako.
"Kumalma ka kasi muna, nakakahiya sa mga katabi nating kwarto baka nakakaisturbo tayo!" natauhan naman siya at kinalma ang sarili bago naupo sa gilid ko.
Buti nga at solo namin ang room na to dahil di masyadong maraming pasyente ngayon. Minsan kasi kapag marami na ang pasyente ay ilang beds ang meron sa isang kwarto.
"Pasensya na nagaalala lang naman kasi ako eh, at ikaw natutoto ka na talagang maglihim samin ah! Bakit? Kaya ba ayaw mong magsabi samin dahil baka di ka namin matulungan at i-ignore ka lang namin--?"
"H-hooyy!! Hindi ah! Wag ka ngang magisip ng ganyan! Ayaw ko lang naman kasing magaalala kayo kasi di naman to ganoon ka seryuso!"
"Di ganon kaseryuso? Eh ba't na-hospital ka pa kung ganon?!"
"Eh... dahil sa kulang ng gamit sa clinic eh.."
"hhmmm!!" aniya nalang at kunwari inaayos ang buhok niya, naiinis to hehe.
Mayamaya ay tumingin siya gawi ni pres at sa pagkaing nakaplastic na dala niya, pansin kung galing sa jollybee ang mga ito base sa pinaglalagyang plastic.
"Oh! Wala ka pang kain daw, kumain muna kayo. Dinner time na.." kalma na siya. Inayos niya naman iyon at nilagay sa harap ko ang isang jollybee lunch box na naglalaman ng isang cup of rice at chicken. Tinawag niya naman si pres para daw makakain na rin tapos lumabas rin siya dahil may iniutos daw si tita sa kaniya sa mercury.
Tahimik naman na kumain kami ni pres, hanggang sa matapos kami ay walang umiimik samin kaya naman... spell awkward..
"P-pasensya ka na sa abala pres ah...Pwede ka ng umuwi... baka hinahanap kana nina Westly at Cade.. Maraming salamat uli..." pagbabasag ko sa katahimikan pagkatapos kong uminom ng gamot na pinaalala niya pa sakin.
BINABASA MO ANG
The Love Of East
FanfictionHis love for Zuri makes him a stronger man with full of determination in life. He is East Tyzon Cullen and because of his love for Zuri even the impossible way he was able to make it possible just so he could win Zuri's heart back again.