CHAPTER 27

9 0 0
                                    

Ngayon ay nasa library kaming apat. Dahil di namin natapos ang research namin kahapon ay ngayon namin ginagawa dahil kailangan na naming maipasa to bukas.

Lahat kami ay fucos sa ginagawa habang kaharap ang kaniya-kaniyang laptop.

Buti nalang talaga at wala na kaming defence kasi hindi na umabot ang oras namin dahil next week ay exam na sa monday at tuesday pagkatapos ng exam ay wala ng pasok at sunod ay moving up na ng mga grade 10, Recognation namin at Graduation na rin ng grade 12.

Mauuna ang recognation, sunod ang moving up at magkakaroon muna ng After Class Party bago ang Graduation ng grade 12.

"Tingnan mo 'to. Parang mali ang sentence natin dito, baguhin natin.." rinig kong ani Aye kay Daine.

"Cge ikaw na bahala.." rinig kong sagot lang ni Daine.

Parepareho na kami ng ginagawa ngayon, chapter 2 nalang at tapos na kami. Napagkasunduan namin ni pres na hatiin sa paggawa para matapos kami agad.

Nag mag break time ay walang may kumilos samin at nanatili parin sa ginagawa, para bang sobrang seryuso talaga namin at hindi kami maisturbo.

Okay lang mamaya nalang lunch ako kakain, mas mabuti na rin to para matapos na namin agad at wala na kaming ibang iisiping tapusin para i-submitt sa mga subjects teachers namin, itong research nalang kasi ang kailangan naming ipasa at pagkatapos nito wala na.

"Oh! Saan ka pupunta?" tanong ni Aye kay Daine kaya napalingon kami sa kaniya.

"Nauuhaw ako, bibili lang ng maiinum. Ikaw, kayo? Baka may ipapabili kayo?"

"Water, please.." busy'ng sagot ni pres..

"Tubig nalang din sakin.." sagot ko naman.

"Ako din, tubig nalang.." si Aye.

"Cge. Mag tubig nalang tayong lahat para tipid!" birong ani Daine bago lumabas sa library.

Bumalik naman agad kami sa ginagawa. Mayamaya lang ay dumating na si Daine na may dalang apat na mineral water binigay naman niya agad samin isa-isa.

Saktong natapos kami ay lunch time na kaya dito nalang din kami kumain sa loob ng library at nagpahinga ng ilang minuto bago nagligpit para lumisan.

Naayos na namin ni pres ang chap 2 kaya naman ay bukas na bukas ay makakapasa na rin kami, ganon din sina Aye at Daine.

Friday na bukas at pagkatapos ay weekends na. Haayyss salamat.. Makakapag pahinga na rin ang utak ko sa resesrch na to. Parang napiga ata ang brain cells ko ah.

"Yes, tapos na rin natin! Thank you lord.." masayang ani Aye kaya napangiti rin ako.

Tama... Thank you lord..

"Wag ka muna masiyadong magsaya Aye, may exam pa!" natatawang ani Daine.

Hala oo nga pala, kailangan na rin pala mag review dahil exam na next week, monday and tuesday. Psh! Akala ko makakapag-rest na ang utak ko hindi pa pala.

"Ay oo nga no! Psh! Akala ko pa naman makakatulog na ako ng maayos nito, hindi pa pala lalo." sabay simangot niya pa.

"Mas magiging busy pa ata lalo tayo nito, no?" ani ko.

"Siguro malamang! Buti sana kung isang sub lang rereviewhin natin, eh, siyam na subjects yon eh. Ewan ko nalang kung may maalala ako niyan sa halo-halo ng nasa utak ko!" ngayon palang parang nai-stress na si Daine ah. Hahaha!

Wag kang mag-alala Daine, di ka nagiisa.

Natawa nalang kami ni Aye.

"Are you going home now?" napalingon ako kay pres ng magsalita siya, hindi yon malakas kaya di ko sure kung rinig nila, pero i assume na sakin niya tanong yon dahil nakatingin naman siya sakin.

The Love Of EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon