CHAPTER 22

11 0 0
                                    

"Piste ka, Shierooo! Subukan mo lang talagaaa!!" sabay habol niya kay Shiero na tawa ng tawa dahil may pang blackmail na siya kay Aye.

Sinabi kasi ni Shiero na magiging libre niya ang lunch ni Shiero sa isang buong linggo kapag hindi siya pumagag ay sasabihin niya mismo kay Daine na may gusto si Aye sa kaniya.

Kaya inis na inis at pikon na pikon si Aye dahil ayaw niyang gawin yon pero baka totohanin ng isang to.

Kaya ayon naghahabulan sila ngayon dito sa likod ng bahay habang ako naman ay natatawang nakatingin lang sa kanilang dalawa habang nakaupo dito sa kubo.

"Ang cute niyong tingnan!" sigaw ko sa kanila.

"Manahimik ka Chen!" mas lalo akong natawa dahil parang naiiyak na si Aye sa inis lalo pat hindi niya mahabol si roro dahil ang hahaba ng biyas at ang bilis tumakbo.

"Ikaw pa talaga choosy! Ang swerte mo nga kapag nagkataon eh! Hahaha!" gatong pa niya na mas lalo lang kinainis ng isa.

"Bweset ka! Kapag nahuli kita patay ka talaga sakin!! Urgh!"

Ng mapagod sa kakahabol si Aye ay naupo siya sa harap ko.

"Punyeta ka! Wag kang lalapit dito mapapatay talaga kita!!" hingal na hingal niyang sabi habang si roro naman ay tumatawa habang hinihingal sa kakatakbo. "Wag kang tumawatawa diyan!" inis na baling niya sakin.

"Ba't ang sungit mo ngayon, Aye?" natatawang tanong ko pa.

"Manahimik ka Chen at baka samain ka sakin! Alalahanin mong magkaharap lang tayo at hindi ka makakatakbo!" sabay irap niya pa na mas lalong ikinatawa ko dahil sakin na tuloy nababaling ang inis niya dahil kay roro.

"Ibuntong daw ba sakin ang inis? Hahaha!" i laugh harder when she just mimicked me and glared me at last bago pumasok sa loob ng bahay.

"Hoy! Miss pikon saan ka pupunta? Dito ka lang hahahah!!" namumula na sa kakatawa si roro dahil pikon na pikon na si Aye.

"Cge! Tumawa ka lang hayop ka! May panahon ka rin sakin...!" sigaw niya pa.

"Lagi namang panahon ko eh hahaha!!"

"Bweset karrghh!!" mas lalong tumawa naman ang isa.

Ang sarap lang sa pakiramdam kapag tumatawa ka kasama ang mga kaibigan mo, at sila ang dahilan ng pagtawa mo. Gusto ko ganito nalang palagi, 'yong andito sila sa bahay ko at magsaya lang kami lagi ng sa ganoon ay makalimutan kong magisa lang ako sa bahay na to. Minsan kapag ako nalang magisa dito sa bahay kahit hindi naman malaki at malawak ang bahay namin pakiramdam ko ang lawak-lawak ng bahay na to para sakin, para sa iisang taong naninirahan dito.

Kaya nga kahit kailan hindi ko pinangarap na magkaroon ng malaki at magandang bahay gaya ng mga nakikita ko sa mga mayayaman.

Kung sakali man na magkaroon ako ng magandang trabaho at malaki ang sahod mas pipiliin ko nalang na tumira sa isang condo unit, siguro doon masasabi kong pwede na sakin ang ganoong espasyo para sa sarili ko.

Gugustuhin ko nalang magkaroon ng maganda at malaking bahay kapag may sarili na akong pamilya. Pero ayaw ko rin ng sobrang laki dahil kapag malaki ang bahay niyo bihira mong makikita ang mga anak mo dahil kahit saan sila nagpupunta kapag naglalaro, gusto ko lagi ko lang silang nakikita.

Pero bakit ngaba napunta sa mga anak ang topic ko? Psh! Malabong magkaroon ako ng ganoon dahil kahit ngayon ngang dalaga ako ay wala nagkakagusto sakin pamilya at sariling anak ko pa kaya.

Natawa nalang ako sa naisip at tumayo na para pumasok sa loob ng bahay.
.
.
.
.
2 days had past at magaling na nga ang paa ko at puro projects lang ang inaasikaso namin bukod sa research. Pasalamat nga kaming ABM dahil hindi ganoon karami ang projects na ibinigay samin ng mga subjects teachers namin di gaya ng taga ibang strands lalo na sa HUMSS.

The Love Of EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon