CHAPTER 36

6 0 0
                                    

"May kasama ka pala." aniya at lumapit samin.

"Mm... Hinatid niya lang ako.." sagot ko at bumaling kay pres na ngayon ay mukhang nagtataka sa presensya ni Shiero. "Cge na pres, salamat sa paghatid pakisabi narin sa mga magulang mo na salamat.." ani ko.

He let out a heavy sigh before nodding.

"Ingat sa pag-drive.." huling sabi ko bago siya tuluyang nawala sa harap namin.

"Kamusta ang dinner kasama ang pamilya niya?" tanong niya habang papasok kami sa loob.

Nabanggit ko kasi sa kaniya ang pag-imbita sakin ni Mrs. Cullen dahil Kay Westly.

"Mm.. Okay lang." sagot ko na animoy pagud na pagud at naupo sa sofa. "Kumain kana?" tanong ko.

"Tapos na sa bahay.." pansin kong parang wala siya sa mood ngayon. Ano kayang nangyari.

"Dito ka matutulog?"

"Oo... Ayos lang?"

"Oo naman. Ano bang nangyari sayo at bakit parang ang tamlay mo ngayon?" natatawa kong tanong sa kaniya.

"Chen.." tawag niya sakin sa mababang boses.

"Oh? May problema ba?"

"May napapansin lang ako."

"Ano naman?"

"Recently.... napapansin ko ng lagi na kayong magkasama ni pres at nakikita kong komportable ka ng kasama siya.." nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng sofa kaya bahagya siyang nakatingala at nakapikit habang sinasabi iyon sa mahinang boses.

"Tapos?" curious kong tanong.

"Wala. Masaya lang ako dahil bukod sa amin ni Aye ay nagagawa mo ng maging komportable sa ibang tao."

"Talaga?"

"Oo... Mabuti nga yon para masanay ka sa presensiya ng iba hindi yong laging kami lang ni Aye.."

"kuntento naman ako sa inyong dalawa ah.."

"Pero mas masaya kapag maraming kaibigan, dba?"

"Oo, pero kung papipiliin ako gusto ko parin yong trio lang tayo nila Aye, okay lang naman, masaya ang may ibang kilala at kaibigan pero di yon mapapantayan ng pagkakaibigan nating tatlo.." napangiti siya sa sinabi ko at lumingon sakin saka niyakap ako.

"Ba't ang drama mo ngayon? Di mo type ulam niyo, no?" biro ko sinusubukang pagaanin ang kaniyang loob, Halata kasing may bumabagabag sa kaniya pero hindi niya sinasabi.

Natatawang humiwalay naman siya sa yakap at ginulo ang buhok ko.

"Ang ganda mo pala pag naka-dress."

"Wag mo'kong lokohin Roro, aware ako sa itsura ko.." sabay nguso ko pa.

"Di nga, totoo, maganda ka kapag naka-dress. Kaya dapat lagi ka ng nagsusuot ng dress." nakangiting aniya, di ko alam kung sincere ba siya o nangaasar lang.

Naalala ko naman bigla ang sinabi ni pres kanina. Parehong-pareho sila ng sinabi ni Shiero ngayon.

Dapat ba akong maniwala? Pakiramdam ko kasi hindi bagay sakin eh.

"Tara na nga! Matulog na tayo.." ani ko at nangunang pumunta sa kwarto, naglatag agad siya ng higaan niya.

Pero bago matulog ay naligo muna ako at nagsuot nalang ng pajama at malaking shirt bago bumalik na sa Kwarto at nahiga agad.

"Anong plano mo sa sembreak?" kakapikit ko pa lang ng magtanong siya.

Napaisip naman ako sa tanong niya. Oo nga no?

The Love Of EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon