CHAPTER 9

14 1 0
                                    

Paubos na ang ice cream na kinakain ko ng bigla akong nabilaukan dahil sa naalalang may klase nga pala kami ngayon.

"Shit! What happened to you?" agad na dalo sakin ni pres at hinagod ang likod ko, ng hindi na siya makatiis ay biglang umalis at bumalik na may dalang bottled water na di ko alam kung saan niya nabili ng ganon kabilis, binuksan niya agad iyon at binigay sakin na agad ko namang ininom. Humihingal ako ng mahimasmasan. "Are you okay?" nagaalalang tanong niya sa mahinang boses. As always.

"P-pres, may klase pala t-tayo ngayon.... kailangan na nating bumalik sa school!" ani ko.

Tiningnan niya muna ang wrist clock niya at napangiwi. "It's already 11:35, we can't catch up for the last class." aniya. Nanlumo naman ako.

Kanina sa banyo, plano ko lang naman na malate sa first class eh, pero ngayon hindi talaga ako nakapasok sa klase buong umaga. Sesermunan na naman ako ni Aye mamaya.

Hala si Aye nga pala! Baka nagaalala na yun sakin dahil hindi na ako nakabalik. Patay lagot ako don. Siguradong isususmbong ako non kay Shiero at isususmbong rin ako non kay ate Eya, at baka pagalitan ako dahil first time kung nag cut sa klase, at hindi lang sa isang subject kundi buong umagang klase!!

Haaayyyss...

Ano ba yan!

"I'm sorry!" napalingon ako sa kaniya.

Ayan na naman siya sa sorry niya.

"B-bakit ka nagso-sorry?"

"Coz you didn't able to attend the class because of me again..." mahinahong aniya pero matutunogan ang guilt roon.

"Di ka rin naman nakaattend sa klase eh, magclassmate naman kasi tayo.." natatawang ani ko.

"First time?"

"Uhm....oo."

"I'm sorry."

"A-ano ka ba, w-wag ka ngang ganyan.."

"The what?"

"L-lagi ka nalang nagso-sorry k-kahit hindi mo naman s-sinasadya.."

"Coz i always felt guilty."

"Ganyan naman talaga eh, kapag di mo sinasadyang gawin mararamdamn mo talaga ang guilt, pero kapag sinadya mo, hindi mo yun mararamdaman, pwera nalang kung pinagsisihan mo." makahulugang ani ko. At for the first time ay natuwa ako sa sarili dahil nasabi ko ng maayos iyon ng hindi nauutal. Sana magtuloy-tuloy hehe.

Nagtaka naman ako ng makitang nakangiti si pres habang nakatingin sakin.

Pansin kong nakakailang ngiti na siya ngayong araw.

"B-bakit pres?" aisshh! Bumalik agad tong dela ko. Nakakailang ka naman kasi eh.

"You were able to say that long line without stuttering for the first time, huh." nakangising aniya. "Now I can say that you are not really afraid of me." ngayon ay nakangiti na siya.

Nakailang beses na siyang ngumiti sakin ngayong araw, at hindi na ata kakayanin ng sistema kong ngayon ay nagkakagulo na naman sa loob sa di mawaring dahilan.

Umiwas na naman ako ng tingin at ibinaling sa pakalat-kalat na mga taong nandito sa park, at ngayon ko lang nalaman na may mga nakatingin din pala samin at mukhang mga kinikilig o mas mabuting sabihin na nakatingin kay pres habang may mga magbabarkada ng puro kababaihan ang nakatingin talaga sa kasama ko at nagtutulakan pa ang mga ito.

May napadaan na couple sa harap namin at nakatingin ang mga ito talaga sa amin habang naguusap na narinig ko pa nga ang sinabi ng babae sa jowa niya. "Hon, ang cute nilang magjowa. Ang handsome nong guy." ani nito na ikinapangit ng timpla ng mukha ng lalaking nobyo niya. "Oo bagay sila, ang ganda ng girlfriend niya eh." ganti ng lalaki. Pinalo naman siya sa braso ng babae at humiwalay ng daan sa kasama. Nakasence agad ako ng away sa magjowa na yun.

The Love Of EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon