CHAPTER 37

7 0 0
                                    

Pagkatapos sa photo booth ay sunod na pinuntahan namin ay sa mga damitan. Naisipan kasi ng dalawa na naman na bumili nalang kami ng damit na susuotin sa after class patry na yon.

Kaya ngayon ay namimili at nagsusukat na sila, habang ako ay di parin makahanap. Ayaw ko kasi sanang mag dress na naman eh. Pero dahil kasama ko si Aye ay hindi yon papayag na hindi dress ang bilhin ko.

Buti nalang probinsiya lang kami at public school dahil kung nasa maynila kami malamang na magagandang gown pa ang soutin ng mga babae.

"Ito bagay sayo, Chen!" tas dinikit ni Aye sa katawan ko ang dress na plain black lang ang kulay pero ang ganda pero sa tingin ko ay maikli ata sa akin to. "Sukat mo dali!" tas tinulak niya ako sa fitting room.

"Aye parang ang ikli naman ata nito!"

"Sukat mo muna!" at sinarado na niya ang pinto ng fitting room.

"Babagay ba to sakin?" tanong ko sa sarili habang sinisipat ang damit na hawak, ng magsawa sa kakatingin ay sinukat ko na at humarap sa salamin pagkatapos. "Woah!" napatakip ako sa bibig ng makita ang sarili.

"Is this really me?" di makapaniwalang ani ko.

Hapit na hapit sa katawan ko ang dress kaya kita ang kurba ng katawan ko tapos mas lumitaw ang kulay ko dahil sa itim na kulay. Above the knee ang haba niya kaya mas lalong humabang tingnan ang legs ko. May malaking butas siya sa taas ng dibdib ko kaya kita ang maputi kong dibdib.

"Chen! Ano? Buhay ka pa ba?"

"Oo, sandali lang!" di parin ako makapaniwala sa nakikita ko sa salamin.

"Nasukat mo na ba o kailangan mo ng tulong?"

"Hindi na, nasukat ko na!"

"Aba't lumabas ka na riyan!"

"Oo ito na!" at binuksan ko na ang pinto sala lumabas ng fitting room.

"Oh my gosh!" napatakip pa ng bibig si Aye at parang di makapaniwala sa nakikita.

"Ano sa tingin mo?" ilang na tanong ko.

"Ang.... Ang ganda mo Chen! Mas lalo kang tumangkad tingnan at pumuti ka sobra!" aniya at umikot sa akin.

"Bagay ba?"

"Sobrang bagay bruha! Ang ganda ng kaibigan ko!" papuri niya pa. "Shiero!" sigaw niya habang nakatingin sakin.

"Bakit?" pasigaw na sagot naman ng isa na nakatalikod at may tinitingnan.

"Halika dito dali! Tingnan mo to!"

"Bakit ano ba.... yan?" nakita kong bahagyang napaawang ang bibig niya ng humarap siya sakin.

"Dba bagay sa kaniya?" tanong ni Aye na may malawak na ngiti sa akin.

Nilingon niya si Shiero ng walang matanggap na sagot dahil nakatitig lang sakin si Shiero habang nakaawang pa ang bibig.

"Shiero naman naiilang ako, bweset ka!" nakasimangot kong ani pero parang wala siyang narinig kaya lumapit si Aye sa kaniya at mahinang sinampal siya sa mukha.

"Hoy! Baka tumulo ang laway mo!" agad naman na tinikom niya ang bibig at umiling na ilag beses at tumingin ulit sakin.

"I-ikaw ba yan, Chen?" di makapaniwalang aniya at lumapit sakin.

"Ano, okay ba?"

"Ang ganda mo..."

"Hoy baka maubos yan sa kakatitig mo! Cge na Chen mag bihis kana!" nakangising ani Aye habang si Shiero ay nakasunod pa ng tingin sakin.

"Ang ganda niya Aye.." rinig ko pang ani Shiero bago ako pumasol sa fitting room.

At sa huling beses ay tiningnan ko ang sarili sa salamin, hindi parin makapaniwala. Ang ganda ko sa damit na to.

The Love Of EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon