CHAPTER 26

9 0 0
                                    

"Let's go." ani pres at lumakad na nga ulit kami.

"Galit yon, sure ako!" bulong ni Aye na nasa tabi ko, nasa kanan ko kasi siya at si pres nasa kaliwa ko si Daine nasa kanan niya so bali napapagitnaan kaming dalawa.

Di ko alam basta nalang pumwesto si Daine sa kanan niya ng nasa highway na kami.

"Alam ko..." bulong ko naman pabalik.

"Bakit?"

"Dahil akala niya ikaw ang partner ko, di ko kasi sinabi na si pres pair ko dahil nga dba noong nangyari noon." para kaming mga kinidnap na nagpaplano kung paano makakatakas sa dalawang to dahil sa pagbubulungan namin.

"Eh dapat sinabi mo parin! Alam mo namang bugnutin 'yon!"

"Baka mas magalit sakin. Eh dba nga..." bumuntong hininga nalang siya at nanahimik nalang kami.

Sorry Shiero....

Pansin kong kanina pa kami naglalakad at ang direction namin ay papuntang baywatch. Wait! Akala ko ba uuwi na kami? I mean, tatapusin ang kaniya-kaniyang research?

Bakit magkakasama parin kami at papunta pang baywatch ang lakad namin?

"Teka!" pigil ko sa kanila huminto naman sila at takang tumingin sakin.

"Why?" si pres

"Bakit?" si Daine at Aye.

"Saan tayo pupunta? Bakit parang sa baywatch ang direction natin?" tanong ko habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo.

Bigla rin namang narealize ni Aye.

"Oo nga noh! Akala ko ba gagawa na tayo ng chapter 2?" tanong niya kay Daine na nagkibit balikat lang.

"Hindi ko rin alam. Sumusunod lang naman kami sa inyo eh!" aniya pa, at saby kaming tatlong tumingin kay pres.

"What? I'm just following you, too!" walang ganang sagot niya rin.

"Ano!!?" sabaysabay naming bulalas.

"So naglalakad lang pala tayo pero hindi alam kung saan talaga pupunta? Ito na ba 'yong nakikita ko sa facebook na 'Yong magkakasama kayong naglalakad ng mga kaibigan mo pero hindi alam kung saan pupunta at nakasunod lang sa nauunang naglalakad?" di makapaniwalamg tanong ni Aye tas mayamaya natawa bigla na sinundan ni Daine.

"Ganito pala 'yong feeling na hindi mo alam ang ang iyong patutunguhan? Nice! Hahaha!" pati tuloy ako natatawa nalang sa nangyayari sa amin.

"Tsk!" naiiling na asik ni pres.

"Eh sa malapit nalang din naman tayo sa baywatch, eh dumiretso nalang tayo roon! Total magandang tumambay ngayon para makita natin ang paglubog ng araw!" suhestiyon ni Daine na nagbigay ng tuwa sakin.

Bukod kasi sa stars and moon, i also love watching sunset.

"Gusto ko yan, Daine! Tara!" sabay hablot ko kay Aye at hinatak siya at patakbo kaming pumunta sa baywatch at naupo sa sementong upuan na pinakaharang dahil ang lampas nito ay dagat at itong sementong harang ang ginagawang upuan ng mga tumatambay dito.

"Woii!! Hintayin niyo kami! Tara, bilis Mr. President!" rinig kong sigaw ni Daine at patakbo ring sumunod samin.
.
.
.
"BWAHAHAHA!! Sagotin mo nalang kasi!" tawang tawa si Daine dahil kay Aye tumutok ang plastic bottle na ginamit namin sa paglalaro ng spin the bottle habang andito parin kami sa baywatch.

Ayaw kasi sagutin ni Aye ang tanong ni Daine dahil truth ang pinili niya.

Syempre kahit ako hindi ko sasagutin kung sino ang crush ko lalo pa't mismong crush mo pa ang nagtatanong sayo.

The Love Of EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon