CHAPTER 23

10 0 0
                                    

Habang nakatingin ako sa kamay naming magkahawak dahil nasa gilid niya ako ay malaya ko yong nagagawa siya nagoorder ng pagkain habang nasa loob ng bulsa ang isang kamay.

"Sila ba?"

"Ang landi talaga!"

"Si pres? Kaholding hands si Chen? Wow.... As in wow!"

"Oo nga, parang nawala agad ang inis ko sa kaniya. My gosh bess bagay sila oh!"

"Oo nga eh!"

"Di ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis eh. Pero cge, kikiligin nalang! Bagay na bagay sila huhuhu!"

"Psh! Kapag nakita to ni Kiesha sigurado issue na naman yon"

Natauhan ako sa huling narinig. Ayaw ko ng issue. Ayaw ko ng naririnig ang pangalan ko na may kasunod na masasamang salita. Ayaw kong marinig ang mga iyon ulit.

Ng pilit na tinatanggal ko ang pagkakahawak ni pres sa kamay ko ay mas lalo lang niyang hinihigpitan.

"Pres! bitaw, please..." bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya.

"Don't mind them." seryusong sabi niya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko at bahagyang hinatak ako palapit sa kaniiya.

"Pres ang daming nakatingin baka maissue na naman to, ayaw ko na marinig ang pangalan ko na pinaguusapan sa boung campus..." halos maiyak ako ng sabihin iyon para lang bitawan niya ako.

Tumigin siya sakin at tumitig ng ilang segundo, akala ko bibitaw na siya pero nagulat ako sa ginawa niya.

Hinapit niya ako lalo sa kaniya at hinarap sa lahat.

"Listen!" naghari ang malalim, seryuso at malamig niyang boses na nakapag ani ng atensiyon sa loob ng canteen. "From this day forward, ayokong masamang pinaguusapan niyo si Zuri sa loob or even at the outside of this school. Kasama ko man siya, at mas lalo kapag hindi. Don't even think of bullying her and her friends, because i will assure you na hindi lang sa guidnce office ang bagsak niyo. I will kick you out this school. And i am giving you an order as your President of Supreme Student Government Council. Are we cleare?" tumango naman agad ang nasa loob ng canteen pati na rin ang mga nasa labas ng canteen na nakikiisyuso sa nangyayari dito sa loob. "And i want you to spread my words." huling sabi niya with an authority before getting the tree of food and lightly drag me out of the canteen.

Tulala lang ako ng makabalik na kami sa room, pansin kong kanina pa naguguluhan na nakatingin sakin sina Aye at Daine habang si pres ay nasa harap ko pero di ko sila magawang pansinin dahil hanggang ngayon ay hindi parin nagpr-proseso ang nangyari kanina.

"Anong nangyari sa canteen at nagkaganyan siya?" rinig kong tanong ni Daine kay pres, pero di ko narinig na sumagot siya.

"Oy, Chen! Ano? Hindi ka kakain? Tulala-tulalaan nalang?" napakurap ako ng bahagyang alugin ako ni Aye sa balikat?

"Huh?" wala sa sariling sagot ko.

Ano bang nangyayari sakin? Hanggang ngayon mabilis parin ang heartbeat ko.

"Don't think about it. Just eat." at mas inilapit pa ni pres ang tree ng pagkain sakin, napatitig naman ako sa kaniya ng ilang segundo.

Ano ba tong nararamdaman ko? May crush na ba ako sayo? Oh may gusto na ba ako sayo?  Pati ako naguguluhan din sa feeling ko kapag may ginagawa ka na malayo sa isip kong gagawin mo para sa akin.

Di ko masabi kung gusto o crush ba kita kasi hindi pa naman ako nagkagusto dati at wala rin akong naging crush dati. At mas lalong hindi ko kilala ang pakiramdam na to, this is my first time.

The Love Of EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon