CHAPTER 44

5 1 0
                                    

Lumipas ang araw na 'yon na puro katuwaan at paglalaro lang ang ginawa namin ni pres hanggang sa gumabi na ay ngayon palang siya uuwi, katatapos lang naming kumain, well, actually late dinner na ang nangyari dahil 9 pm na to be exact.

Hinatid ko siya hanggang sa labas ng pintuan namin.

"Ingat ka pauwi, ha?"

"Mm, i will." lumapit siya sakin at nagulat ako ng halikan niya ako sa gilid ng ulo ko. "Don't stay up so late, hmm?"

"Mmm.. Ikaw rin pagkauwi ha?"

"I'll text you when i got home, reply to me." he demanded, ngumuti ako at tumango.

"Oo na, cge na uwi ka na gabi na, baka hinahanap kana nila ma'am--"

"Tita." he corrected me, i giggled.

"Tita. Baka hinahanap kana ni tita.." magaang ngumiti siya.

"Alright, i'm leaving. Goodnight."

"Goodnight. Ingat!" pahabol ko pa. Lumingon ulit siya pagkarating niya sa harap ng motor niya.

"Get in, it's cold here." sumunod naman ako at nagwave sa kaniya bago isara ang pinto pero sumilip ako sa bintana, nandoon parin siya nakatayo at nakatingin dito sa bahay di ko lang alam kung kita niya ako dito sa bintana.

"Umuwi ka na, pres!" sigaw ko gumalaw ang ulo niya at hinanap kung saan galing ang sigaw ko natawa ako kaya nilabas ko ang kamay ko ngumiti siya ng mahanap ako binuksan ko ulit ang pinto pero di na ako lumabas. "Cge na, umuwi ka na!"

"Ito na." natatawa pa siya at kinuha ang helmet saka sinuot iyon.

"Babye!"

"Bye!" kumaway din siya at saka pinaandar na ang motor niya, pinanuod ko pa hanggang sa mawala na siya sa paningin ko kaya pumasok na rin ako at ni-lock ang pinto.

Gaya ng sabi niya ay nagtext siya ng gabing 'yon at nagreplay naman ako, sandali lang iyon at natulog agad ako kaya kinabukasan ay maaga pa at maganda ang mood ko ng magising

Bagong araw na naman, bagong boring na araw na naman. Ano kayang pwedeng gawin ngayon? Buti pa sila Shiero malamang ay nageenjoy na 'yon sa bakasiyon nila sa Cebu pati si Aye nasa Maynila kasi sila sa bahay ng kuya niya doon kasi nakapangasawa si kuya Vincent.

Ano kaya kung sumama ako sa kila Shiero sa Cebu malamang naipasyal na ako no'n. Pero bigla naman din sumagi sa isip ko na baka mailang pa siya sakin dahil sa nangyari no'ng party, aaminin kong ako rin naman lalo pa at kahit na ganon ay nagi-guilt ako.

Aisshh! Ang aga-aga yan na ang iniisip ko. I shake my head to shoo that thoughts. Hindi pa nga pala ako nakakapag umagahan o kahit kape manlang kaya dumeritso na ako sa kusina para magtimpla ng kape.

Hindi ata ako makakasurvive sa isang araw ng hindi nakakapag kape sa umaga kaya lalong nagiging nerbyusa ako eh. E, sa masarap naman kasi talaga ang kape.

Pagkatpos kong mag-umagahan ay lumabas ako ng bahay, sumisikat na sa harap ng bahay ko ang sinag ng araw kaya napagisipan kong magpaaraw dahil hindi pa masakit sa balat ang araw sa umaga. It's a vitamin.

Ilang minutes akong nagpa-araw sa labas, ng makaramdam na parang medyo sumasakit na ang balat ko sa init at bago pa ako magmukhang negra ay pumasok na ako, maganda rin naman dahil pinagpawisan ako. Nagpahinga lang ako ng kunti saka pumasok sa kwarto para kumuha ng towel at dumeritso sa banyo para maligo.

Nagbibihis na ako ng tumunog ang cellphone ko pero wala akong makitang cellphone.

"Asan na 'yon?" takang ani ako ng mapagtantong wala 'yon sa bedside table ko. Hinanap ko kaagad iyon, natataranta na ako dahil tunog ng tunog. Ano ba yan! San ko ba nalagay 'yon?

The Love Of EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon