Fifteen-

39 1 0
                                    


Clarisse POV

Bumaba siya sa isang restaurant, pumasok rin ako para tignan kung sino ba yung tumawag sa kaniya. May kutob kasi ako na tungkol ito kay Chloe.

Lumapit siya sa lalaking nakatalikod.

"May reservation po kayo Mam?" tanong sakin nung waiter

"Ah. wala, can you give me a cup of coffee" umupo ako sa medyo malapit lang kela Mama. Yung tama lang para marinig ko yung pinag uusapan nila.

"Here po. Enjoy your stay Mam" putek. Nagpapacute pa ata tong waiter na to.

"Don Fernando, hindi maari ang iyong sinasabi?" sabi ni Mama

Tama nga ako tungkol nga ito kay Chloe, sa arranged marriage niya dun sa jologs na Freddie.

"pero nagkaroon tayo ng kasunduan at ang kasunduan ay kasunduan" sabi nung Don Fernando

"pero hindi mahal ng anak ko ang apo ninyo. At kakagaling niya sa hospital. Nagkaroon rin siya ng amnesia kaya hindi niya maalala ang ilang bagay."

"pero ayokong mamatay ng wala manlang akong nakikitang apo. Kaya kung pwede lang ngayon taon na ihanda ang kasal nila Chloe at Freddie"

"Pero hindi ako makakapayag sa sinasabi niyo. Kung gusto niyo hahanapan ko nalang kayo ng ibang babaeng mapapangasawa ng apo niyo"

"pero ang mahal ng apo ko ay si Chloe, matagal niyang hinintay ang pagkakataon na ito. Nangako ako na kapag nag-aral siya at natulungan niya ako sa pamamahala ng hacienda ipapakasal ko sakaniya ang taong mahal niya at iyon ay si Chloe"

"pero ayaw ni Chloe sa apo niyo. Hindi pa siya handa sa pag-aasawa. Mauuna na ako sainyo. Aalagaan ko pa ang anak ko"

paalis na si Mama pero hinarangan siya ng dalawang bodyguards nung matanda

"Hindi kita mahahayaan hanggat hindi ka pumapayag na ipakasal ang anak mo sa apo ko. That's final"

"Bitawan niyo ako. Aalis na ako"

hinawakan nila si Mama at pinipilit na umupo sa upuan niya kanina.

Lumapit sakin yung waiter na kanina pa. Pacute ng pacute sakin.

"Tulungan mo ako. I'll pay you back" hinatak ko yung kwelyo niya

"A.ah. anong kapalit?"nakangisi niyang tanong.

Tangina. Kung hindi ko lang siya kailangan masusuka na ako sakaniya. Old boys.

"a Fucking date" tumango-tango siya. Mukhang gusto niya yung condition aba. dapat lang dahil kahit ako! Syempre ayoko alangan namang gusto ko. Eww. Gross

"Let her go. Bastard" sigaw ko.

Lumingon sila sa direksyon ko. Mukhang napanganga pa sila sa ganda ko. Sorry dyosa eh. Hangin Shit.

"Clarisse what are you doing here?" Mama

Sinipa ko yung isang bodyguard sa harap niya. Namilipit siya sa sakit. Yung isa naman aambahan ako ng suntok bigla akong napapikit sa takot. Sobrang laki niya kasi tapos susuntukin ako. Shit lang.

"Masamang sinasaktan ang babae. Tuturuan kita ng leksyon" dumilat ako.

Hawak-hawak nung waiter yung kamay nung bodyguard na susuntukin sana ako.

Binugbog niya iyon.

"what's going on here? " may lumapit na manager.

"Tara na!" sigaw ko.

Hinatak ko si Mama at yung waiter.

Bahala na mamaya. Babayaran ko nalang yung manager na yun.

"Clarisse bakit ginawa mo iyon? Wala ka na rin pinagkaiba sa kapatid mo. Magkaiba kayo. Magkaibang-magkaiba tandaan mo yan." Mama

Sleeping with My Two CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon