Thirty One-

18 0 0
                                    

John Christian POV

Kinarga ni Wilson ang anak niya at lumapit kay Louise.

" I'm sorry rin kasi nag over react ako at nasaktan na kita. Ako ang may kasalanan ng lahat ng to huwag kang mag sorry okay ?" niyakap niya ito.

"Hindi kasalanan ko rin!" Louise.

"Sssshhhh tahan na. Diba ayokong umiiyak ka ?" natawa si Louise kay Wilson.

"Daddy ! Daddy ! Hanap po kita Mommy said your here and we gonna see you but i'm scared look oh !" ang kulit magsalita ng anak niya. Nakakatuwa silang panuorin.

" Hoy ! Buksan niyo ang ilaw ! Natatakot ang anak ko !" utos niya na ikinatawa ng lahat.

"Vince ang pangalan mo ? Ako rin Vince eh !" Wilson.

"Mommy why the same ?" tanong niya kay Louise.

"Hahahaha. Ikaw si Vince Wilson Sanchez baby at si Daddy naman Wilson Vince Sandoval." paliwanag niya.

" Not really ! He's now Vince Wilson Sandoval and you gonna be Louise Lloyd Sanchez Sandoval. I wanna marry you Louise can you be my wife ?" nagulat si Louise sa sinabi ni Wilson.

"Yes. I want to be your wife" nagsigawan ang lahat.

Masaya ako sa tinakbo ng buhay ni Wilson sana mabago na siya ng pamilya niya at ng anak niya. Maging maayos na sana ang buhay niya at alagaan ang anak niya at ang magiging anak pa nila.

Nasa gitna kami ng kasiyahan ng....

"Chloe ! Chloe ! Wake up !" biglang bumagsak si Chloe at agad namin siyang dinala sa hospital.

Hospital-

"Kristopher ? JC ? Ang anak ko nasaan ?" biglang dumating si Tita Claire kasama ang asawa niya.

" Tita okay na daw po siya medyo nalipasan lang daw ng pagkain at dahil sa init ng pinuntahan niya natuyuan na rin siya ng pawis." paliwanag ko.

"Nako ! Maraming maraming salamat sainyong dalawa. Kita niyo na ang mga galos sa mga mukha niyo ? Nako nurse ?"

"Tita nasa loob po siya." pumasok na sila Tita sa loob.

" Sir kailangan niyo rin pong gamutin Tara na po" may lumapit sa aming nurses.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at sakit na natamo ko kanina. Ang dami ko palang pasa ay gasgas ang kagwapuhan ko nabawasan na. Tss.

Pagkatapos kaming gamutin ni Tophe umuwe muna kami para magpalit ng damit.

"JC ! Saan ka na naman galing ? At ano yang mga pasang yan ? Hindi ka pa rin ba nagtitino ? Pinayagan na nga kitang mag-aral ulit pero mukhang nagkamali ako sa pagpayag !" eto na naman si Dad sesermunan na naman ako.

" John ! Tama na ako nang bahala dito ! Malalate ka na sa meeting mo sa nga client" humarang si Mommy para pigilan si Dad na suntukin ako.

" Magtutuos pa tayo JC !" umalis na siya.

Kailan ba nabago ang araw ko dito sa bahay ? Parang araw-araw naman ganito !

Tss.

"JC pagpasensyahan mo na ang Daddy mo marami lang siyang pinoproblema sa kumpanya. Halika nga na paano ba yang mga pasa mo ?"

Sa tagal ko na dito sa bahay niya hindi pa rin nagbago ang ugali niya ganito pa rin siya kabait kahit hindi niya naman ako tunay na anak. Mahal niya ako bilang anak niya, tunay na anak niya.

" Mommy Salamat po sa lahat." niyakap ko siya na nagpangiti sa kaniya.

"Ikaw talagang bata ka ! Napakalambing mo talaga." sabi niya.

"Sorry po kung masyado po akong pasaway sa inyo, nakulong pa ako at narehab pero ngayon po nagbago na ako. May nagbago sa akin Mommy" humiwalay siya sa pagkakayakap at ngumiti.

" Ikaw ha ? Sino naman yan ? Ipakilala mo naman kay Mommy " lambing niya.

" Nasa hospital pa siya ngayon at itong pasang ito dahil sa pagligtas ko sakaniya. Kasalanan ko naman Mommy eh naghiganti siya sa amin ni Tophe at siya ang naging sangga ni Wilson" paliwanag ko.

"Kamusta na siya ? Nako ! Anong nangyari sa Wilson na iyon Anak ?" tanong niya.

"Okay na siya Mommy naghiganti siya dahil iniwan siya ng Girlfriend niyang may gusto pala sa amin ni Tophe kaya ayun naghiganti siya sa amin. Pero Ama na siya ngayon Mommy at nagbago na siya malapit na nga sila ikasal eh" masaya kong balita.

" Masaya ako para sa kaniya Anak. Teka kumain ka na ba ? Tara na magsabay na tayo bago mo puntahan ang taong nagpabago sayo ha." inakbayan ko si Mommy.

Kaye Zaragosa siya ang babaeng pinagpalit ni Papa kay Mama, una hindi ko siya matanggap pero nang makilala ko siya ng lubusan napamahal na siya sa akin.

Sobrang bait naman pala niya at tinuturing niya talaga akong tunay na anak.

Si Mommy ay kaisa-isang anak at nang mamatay ang magulang niya dahil sa car accident si Papa ang sumalo sa kaniya.

"Mom ? Paano niyo po nalaman na mahal niyo na si Papa ?" tanong ko sakaniya.

" Ikaw bata ka ha ! Babae siguro ang nagpabago sa iyo noh ?" biro niya.

" Mom answer ?" inis kong sabi

" Alam mo nalaman ko lang na mahal ko ang Papa ko nung napagod na siyang manligaw sa akin at lalayuan na daw niya ako. Alam mo yun may sakit sa akin kaya ayun sinagot ko ang Papa mo at nalaman ko na nga mahal na mahal ko na siya" sagot niya.

"Mom edi nasaktan din po kayo ng malaman niyo may unang pamilya si Papa ?" tanong ko.

" Oo naman, kasama sa love iyan anak. Masasaktan at iiyak ka rin pero kung lalaban ka at magiging matatag ka, makakayanan mo iyan anak at iyan ang magpapalakas sayo sa mga dadating pagsubok" Mommy.

" Pero Mommy paano kung may kaagaw ako sakaniya ? Paano ako ?" tanong ko.

" Alam ko anak kung mahal mo talaga ang isang tao ipaglaban mo at huwag kang susuko hangga't hindi pa niya sinasabing sumuko ka na. Masaktan ka edi masaktan andito ako anak lagi akong nasa tabi mo, hindi man ako ang tunay mong Mommy pero mahal kita higit pa sa kung ano ang nabibigay ng totoo mong Mama. Tandaan mo iyan JC" niyakap ko si Mommy.

"Nagpapasalamat ang kay lord at ibinigay ka niya sa akin" sabi ko then i kiss her forehead.

" Ikaw may nalalaman ka nang lord ha ! Baka masunog ka niyan" biro ni Mommy.

"Mommy naman eh !" natatawa kong sabi.

"Alis na ako Mom !" paalam ko.

"Sinabi ko sayo JC. Aminin mo na sakaniya bago mahuli ang lahat. Ingat ka Anak "

-ChloePakshet

Sleeping with My Two CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon