Twenty Five-

20 0 0
                                    


Chloe POV



"Anong meron sa matandang prof. na yun ?" takang tanong ni JC


"Ewan ko may menopause ata sa atin" Kristopher.


Naglalakad kami ngayon paalis ng school.


"Tara pumunta muna tayong fast food kasi tulala na tong babaeng to. Mukhang kakainin na tayo" tawang sabi ni JC


"Oo nga baka magahasa tayo ng wala sa oras, Alam mo sa akin okay lang kahit saan, kahit dyan lang sa tabi o kaya dito sa daanan Hahahaha" ganun din si Kristopher.


Sinamaan ko sila ng tingin bilang sagot na

' Hoy naririnig ko kayo at buhay pa ako.'


" Anong order mo ?" tanong ni Kristopher


" 2 extra large fries, 1 yum burger, 1 large sundae, gusto ko rin ng sprite na soda." sagot ko.


"Para kanino ba yan ? Para sa atin ng tatlo ?" JC


"Hoy sa akin lang yan !" sagot ko.


"Grabe ! Katakawan !" kinurot niya yung ilong ko


"Ouch Kristopher naman eh. Dali na bumili ka na kakain na ako ng tao dito sa sobrang gutom" sabi ko.


" Eto na ! Eto na !" nag-order na siya at ganun din si JC


Ang haba ng pila kaya antagal ng pagkain ko. Hays. Ipapasara ko to eh.


" Ate ! Ate ?" lumingon ako sa katabing table namin at tumambad sa akin ang cute na batang babae. Namiss ko tuloy si Melanie na anak ni Tita Mel.


" bakit ? Ang cute-cute mo naman. Pwede pakurot naman ?" natawa siya sa sinabi ko.


"Okay lang po basta sa isang condition" sagot niya.


"Ano naman iyon ?" excited kong tanong.


"Kasi po, crush crush po kayo ni Kuya ko. Diba kuya ?" lumingon siya at ganun din ako pero wala doon ang tinatawag niyang kuya.


"Ay wala siya, nagtago po Hihihi" sabi nung batang cute.

"then ano naman ang condition doon ?" tanong ko


" Ano pong pangalan niyo ? May Instagram po kayo ? Twitter ? Facebook ? Yahoo ? Blog ? Tumbler ?" tanong niya habang hawak hawak yung Cellphone niya.

"Hahahahaha sure ka bang bata ka pa ? Kasi alam mo na agad yan bata-bata mo pa eh" natatawa kong sabi

" Picture tayo Ate "

Sleeping with My Two CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon