Twenty Seven-

14 0 0
                                    


Chloe POV

Papunta ako sa Mall ngayon magkikita kasi kami ni Vince para sa reporting namin. Ayaw pa nga akong paalisin nila Kristopher.

Scene before -

"Saan ba kayo pupunta ng hinayupak na yun ?" JC

"Sa Mall nga lang. Ang kulit naman" sagot ko

"Bakit kailangan pa ? Pwede namang dito nalang kayo gumawa may Wifi naman dito !" Kristopher

" Kailangan kasi naming mag survey sa mga stall dun ! Ang gulo niyo atsaka diba kailangan niyo din umalis kasi may meeting kayo sa mga partner niyo ?" sabi ko.

" Wala na ! Siya na pinagawa ko. Anong akala niya araw-araw niya ako makakasama ? Tss. In her dreams" JC

" Sabi ko ako na gagawa pati ng script niya, pag-aaralan nalang niya. Ayokong makasama yun. Nakakairita !" Kristopher

"Seriously ?" -____- ?

Mall -

" Kanina ka pa ?" tanong ni Vince

" Ah hindi naman kakarating ko lang din !" sagot ko.

Ginawa nga namin ang kailangan naming gawin.

Kanina pa ako lingon ng lingon para kasing may nasunod sa amin. Baka naman guni-guni ko lang yun.

" gutom ka na ba ?" Vince.

" Medyo !" nahihiya kong sagot. Kanina pa kasi kami nag-iikot eh

Umorder na siya, nandito kami sa Jollibee namiss ko kasi yung kumain dito.

" Here :)" ibinigay niya na sa akin yung order ko.

" Ilan taon ka na ba Chloe ?" curious na tanong ni Vince

" Actually 17 palang ako pero pinagkakalat ko 18 na ako. Hahaha diba nakakatuwa ayoko kasing isipin nilang ang bata ko pa pero kung mag-isip ako pang matured na" sagot ko

" Eh ! Ikaw ?" tanong ko

"21 na ako :) Hindi halata noh ? Ang gwapo ko kasi eh" nagpagwapings pa siya na ikinatawa ko.

"Baliw ! About yourself ?" tanong ko.

" I love singing, guitarist din ako, may banda ako at sobrang gwapo ko" nahampas ko siya dahil sa mga pinagsasabi niya.

" Ang hangin mo !" kumagat ako sa jolly hotdog na paboritong-paborito ko. Teka ? Kilala ko yung damit na yun ah.

" Ang dungis mo kumain. Tss" nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Nanlaki ang mata ko, bakit ang lapit naman ata ?

" Ayan ang ganda muna ulit " pinusan niya lang pala yung ketsup sa gilid ng labi ko.

"Salamat" nginitian ko siya nun.

Nag-ikot pa ulit kami at nag window shopping na rin ako.

Iniisip ko pa rin yung lalaking nakita ko sa Jollibee pamilyar kasi parang si Kristopher at kanina ko pa talaga nararamdaman na may sumusunod talaga samin.

Sa sobrang lingon ko ng lingon hindi ko namalayan na huminto na pala si Vince.

" Ouch ! Ang ilong ko !" hawak-hawak ko iyon siguro namumula na iyon.

" bakit ka ba kasi palingon-lingon ? May problema ba ? Tignan mo namumula na yang ilong mo " hinawakan niya yung pisngi ko at iniangat niya.

" Ouch ! Huwag mong hawakan. Masakit !" nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.

Tinitigan niya ako sa mata, Anong meron ?

" Ate ! Ate !" naghiwalay kami agad sa batang nagsalita sa gilid namin.

" Ha ? Ako ba ?" tanong ko dun sa cute na batang lalaki.

" Opo ikaw po ^___^ May nagpapabigay po ninto :)" binigay niya sa akin ang isang paper bag.

" Salamat ! Ang cute mo naman. Sino naman iyon ?" nagpalingon-lingon ako

" Bawal po sabihin magagalit po siya" tumakbo na paalis yung bata.

" Kanino daw galing ?" tanong ni Vince.

" Hindi sinabi eh." binuksan ko yung paper bag

0____0 Agad ko iyong hinagis.

" Anong nangyari ?" kinuha ni Vince yung paper bag at tinignan niya rin.

" Fuck ! Sinong tarantado ang magbibigay ng ganito !" tinapon niya agad iyon.

" Chloe ! Chloe ! Chloe ! Okay kalang ba ? Iuuwe na kita "

Bigla akong napatulala, Sino ang walang modo ang magbibigay ng Isang teddy bear na puro dugo may nakalagay pa sa malaking papel.

I kill you


Kristopher POV

" CJ Dalian mo ! Baka wala na sila doon !" bakit ba kasi ngayon pa tinawag ng kalikasan tong si CJ ?

" Sandali lang ! Tangina!" lumabas na kami sa Comfort Room.

" Fuck ! Wala na sila ! Hanapin natin dalian mo !" asar kong sabi.

" Hanapin na natin baka anong gawin ng gagong yun !" CJ


Clarisse POV

" ANO BA ! SINO KA BA ? PAKAWALAN MO AKO !!!!!!" Tangina ! Malaman ko lang kung sino kumidnap sa akin.

Swear ! Papatayin ko siya.

- ChloePakshet

Sleeping with My Two CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon