It's Official!

7.1K 115 26
                                    

ANDERSON'S POV

Actually lahat ng kwinento ko kay Amber gawa-gawa lang. Obvious naman diba? Hahahaha. Ngayon pa ba na alam kong may feelings pala si Amber sa akin. Nangingiti ako sa naiisip ko.

Sa totoo lang, hindi ko naman kadugo si Amber. Oo ampon lang ako. Namatay ang mga magulang ko nang lumubog ang sinasakyan nilang barko pauwi ng Maynila. Si Jared, kapatid ko talaga sya. Hindi lang namin pinapaalam sa ibang tao (except sa pamilya ko at lola nya este namin). Isa pa hindi kami magkasundo sa lahat ng bagay. Kaya nga pinaampon nalang ako ni Lola sa matalik nyang kaibigan na itinuturing ko nang nanay ngayon. Wala namang isyu sakin kasi magkalapit lang ang bahay namin at napamahal na ako sa kinikilala kong pamilya. Si Lola ay may alzheimer's disease. Si Jared lang ang kilala niyang apo at okay lang naman sa akin yung ganong set up. Araw-araw ko naman siyang binibisita.

"Tito tulala ka na naman dyan. Anong iniisip mo? Share mo naman"

Nagpout sya bigla. Napakacute nya talaga.

"Amber, paano kung sakaling magkagusto din ako sayo tapos ganun ka rin pala sakin. Handa ka bang mamatay nang buhay para lang magkasama tayo?"

Tinaasan nya muna ako ng kilay bago sya nag-isip.

"Oo naman. Ganun naman kapag nagmamahal diba? Handa kang isacrifice ang lahat maging ang buhay mo. Tsaka mas masarap mamatay lalo na kapag nasa tabi mo yung taong mahal na mahal mo"

Napangiti na naman ako. Heto na, tatanungin ko na sya ng diretsuhan. Sana oo! Sana oo talaga!

"Amber isang tanong isang sagot. Mahal mo ba ako? Kung oo promise hindi ako magagalit. Gusto ko lang marinig kung anong nararamdaman ng puso mo"

"Kasi tito ano eh.. uhmm.. oo"

"So tayo na?"

"Ha?"

"Alam mo kasi Amber mahal na rin kita. Hindi bilang pamangkin pero bilang future girlfriend"

"S-seryoso ka tito? pano yan.. yung sumpa.. yung pagpatay.. natatakot ako..."

"HAHAHAHAHAHA ikaw naman. Joke ko lang yun. Naniwala ka naman! So ano, will you be my future girlfriend?"

Kita sa facial expression nya ang tuwa, pagkagulat at excitement.

"Yes tito! pumapayag na ako"

"Hep hep hep. Pwede bang Anderson nalang wag na yung tito? You know hindi naman talaga tayo magkadugo. Long story. Basta ang importante tayo na at official na 'to. I'm sure matutuwa sila pag nalaman nila 'to"

And there we are, hugging each other so tightly. Napakabilis ng pangyayari pero aaminin kong ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon