Naikuyom ko ang kamao ko. Isang masamang tingin ang ipinukol ko kay Carla. PT lang naman ang binigay niya sa akin! Walang hiya ang bruha.
"S-sinong ama?!"
"Obvious ba?"
Tumingin ako kay Anderson. Blangko ang mukha niya at nakatingin siya sa malayo. Parang binibiyak ang puso ko sa posibilidad na baka...... baka siya ang ama.
"Sino nga?!" Naiirita na ako ha.
Lumapit siya kay Anderson at lumingkis na parang sawa. "Si Anderson!" She giggled.
Binitawan ko ang PT na hawak ko at balak ko sanang ambahan ng suntok si Carla nang bigla akong pigilan ni Jared.
"Bitawan mo ako Jared! Papatayin ko yang babaeng yan! Kingina nilandi mo na nga ang boyfriend ko, nagpabuntis ka pa! Wala ka nang kahihiyan sa katawan! Mang-aagaw! Puta!" Sigaw ko. Nagsilabasan naman ang mga kamag-anak namin na nasa loob ng bahay.
"Anong nangyayari dito?!" Si mama. May hawak pa siyang kutsilyo nun.
"Joke lang Amber. Uy hindi talaga si Anderson ang tatay. Uhm, si ano, si Jared" Umayos ng tayo si Carla at nagtago sa likod ni Jared. Kumawala naman ako sa hawak niya at lumapit kay mama.
"Siraulo ka ba Carla? Ano ba talagang totoo? Bwisit na bwisit na ako sayo ha! Isa! Pag di ka umamin ako mismo ang magsasaksak ng kutsilyo na 'to sa ulo mo!" Pananakot ko. Wala naman akong balak na pumatay ng tao ngayong birthday ko. Gusto ko lang talagang gumanti. Kagigil puta. Wasak na wasak na puso ko oh. Tapos wawasakin pa niya lalo.
"Swear. Si Jared talaga ang tatay"
Hindi ako naniniwala. Oo natutuwa ako kasi hindi siya nabuntis ni Anderson. Pero tangina may nangyari sa kanila! Isang malaking sampal sa pagkatao ko 'yun.
"Talaga ba? Anderson?" He looked at me. Puzzled.
"Hindi ko alam kung paano. Ewan ko. Patawarin mo ako Amber. Oo na, aaminin ko, may nangyari samin. Pero tangina hindi akin yang bata sa sinapupunan niya. Nagsasabi siya ng totoo, B"
I gave up. Tutal nagkaalaman na rin naman nanahimik na lang ako. Gosh. Birthday ko ngayon. Kahit isang araw man lang sana ay hindi ako mastress.
Pinapasok ko na sa loob sina Mama at nagpaiwan kaming apat sa labas. Naging mabilis ang mga pangyayari. The next thing I knew, nagtatawanan na kaming apat. I congratulated Carla and Jared for their new blessing.
"So anong plano niyong dalawa ngayon?"
Nakaupo kami sa swing ni Carla habang nakatayo naman sina Jared at Anderson sa gilid namin.
"Well, napagpasyahan namin na magpakasal right after na maipanganak ko 'to" Hinawakan niya ang tiyan niya at ngumiti.
Nabanggit na pala ni Carla lahat ng kalokohan niya. Na sinet up talaga niya si Anderson para magkabalikan sila. Pero tutol dito si Jared. He's been a good friend of mine so gumawa siya ng plano para matigil ang kahibangan ni Carla.
"Good. Nasa tamang edad naman na kayo eh. Tsaka plano nga talaga ni God na magkatagpo kayo ulit. Sa di nga lang inaasahang sitwasyon. Hahaha!"
![](https://img.wattpad.com/cover/32247848-288-k544795.jpg)
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomansThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...