EPILOGUE

5.2K 53 20
                                    

AMBER'S POV

"B, kailangan na nating makahanap ng sub. Akala ko ba ready na lahat?!"

Hay nako heto na naman si Anderson. High blood na naman! Hahahahaha!

"Easy lang naman B. Sino ba ang buntis sating dalawa? Ikaw? ikaw?"

Umiiling-iling siya pero natawa din sa sinabi ko.

"Sorry B. Nasstress lang kasi ako sa project na 'to. Hindi ba pwedeng wag na natin ito ituloy? Haaaay"

Sinamaan ko siya ng tingin. Napalunok siya ng laway at agad na binawi ang sinabi niya.

"Joke lang B. Ikaw naman hindi mabiro oh. Hehehehehe heto na nga oh, ako na mismo maghahanap ng sub artist. Bye muna B! Love you!"

He planted a peck on my lips at kumaripas na ng takbo. Hahahaha alam niya kasing hahampasin ko siya ng papel sa ulo! Under si koya mo.

Siya nga pala, marahil ay nagtataka kayo kung ano ang nangyayari ngayon. Alam niyo ba kung ano? Secret! HAHAHAHAHAHA JOKE LANG PO.

Kasalukuyan kaming gumagawa ng documented film under Viva. Dalawa kami ni Anderson na magkatulong sa paggawa nito. He's the director and......... I'm the author! Mwahaha!

In case you already had an idea, yup! Story namin ni Anderson ang bida sa film na ginagawa namin. Official published author na ako ng wattpad at due to some requests eh napagpasyahan kong gawin itong film. Sobrang hirap pala lalo na't 6 months na akong pregnant.

"B! Gusto kong mangga please huhu"

Kagaya ngayon. Naglilihi ako. Crave kung crave! Sabayan pa ng mood swings beh.

"Coming up!"

Habang papalapit siya sakin, hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Sa dami ng mga pinagdaanan namin noon, see? We're as strong as a rock. Three years ago, sobrang dull ng buhay ko. As in aral kung aral. No lovelife. No adventures. Pero the moment I stepped on Pampanga, I knew my heart found its pair. At si Anderson 'yun! Hihihihi naaalala ko pa kung gaano ako kaconscious sa sarili ko bago ko siya makita. Butterflies in my stomach? check. Blushed a couple of times? check. Fell in love? CHECK NA CHECK!

"B, ito na po yung request mong mangga. Want more? Madami pa dito. Sabihin mo lang ha?" Inabot niya sakin ang isang plato na puno ng mangga. Gahd naglalaway na ako ng sobra.

"O-ouch ang sakit ng tyan ko"

Pagkasabi ko nun ay agad namang nataranta si Anderson. "Sumisipa na yata si baby hehehehehe"

Biglang nagsparkle ang mata niya. Uh oh. Mukhang magiging daddy's girl ang anak namin! Yay!

"Hi baby Ales. Excited na kami ni mommy mo na lumabas ka. Hep hep hep! Kalma ka lang baby ha? Wait mo muna mag 9 months. We'll wait for you okay? Isang sipa naman dyan please. For daddy"

Nakakatuwa dahil sumipa nga talaga si baby. Isang nakakagood vibes na ngiti ang rumehistro sa labi namin ni Anderson. Soon. We'll be a happy family.

If you're asking if married na ba ako or what, of course I am happily married with him! Hahahahaha kasal muna bago baby. Yes again! Nasunod ang plano naming date ng pagpapakasal ni Anderson. December 13, 20XX. Actually simpleng kasalan lang ang naganap. It happened habang hospitalized pa si B. Malalapit na kaibigan at ilang kamag-anak lang ang invited. The ceremony was quick yet meaningful. Don't worry, ang mahalaga naman dun is kinasal kami and the vows. Maybe after a year or so, magpapakasal ulit kami ni Anderson. Somewhere here in the phillipines and sa Paris! *drools*

"Direk nandito na po yung sub na nirequest niyo"

Tumango-tango si B. Isang scene na lang naman ang kulang para mabuo ang film.

"Sige nasaan siya? Pakisabi naman na pumunta siya dito para personally kong maexplain yung role niya"

Isang matipunong lalaki ang humarap sa amin. Very masculine and hot. As in tutulo laway mo kapag nakita mo siya. Tinitigan ako ni Anderson. Natawa lang ako. Jelly jelly si B hihihi.

"So, thank you..... Mr.?"

"Jeremy Mariano"

"Your name sound familiar. Nagkita na ba tayo dati?"

He shrugged but smile anyway.

"I see. Wag mo ko maganyan ganyan Jeremy ha. Porket gumwapo at naging macho ka lang, di mo na ako kilala huhuhuhu"

"Sorry naman. Basta ha, ako pa rin ang ninong ni Baby Ales. Tara na! Para matapos na natin ang film niyo"

Tumayo na kami ni Anderson at pumunta na sa set.

"1,2,3 camera action!"

Ang set up ngayon ay nasa hospital kami. Ito yung scene kung saan binati ako ng masiglang ngiti ni Anderson. This was the most heart-touching moment I ever experienced towards him. RAINBOW.......

After a raging storm, there comes a fully motivating rainbow.

Things come when you least expected it. Akalain nyo yun? Dati inlove ako kay tito..... ahem.

Pero ngayon? Inlove pa rin naman ako sa kanya. But since we are not blood related, I must say na nainlove at patuloy pa rin akong maiinlove sa superman ng buhay ko - si Anderson.

"Aaaand cut! Good job guys!"

Nagpalakpakan ang lahat. After nito, ieedit na ang film at ipapalabas ito nationwide. The much waited story of the present generation.

Umubo-ubo si Anderson. "May sakit ka ba B?" tanong ko. Hala sabi ko na nga ba masyado na siyang napagod sa kakashoot ng scenes eh.

Imbes na sagutin ako, ngumuso nguso lang siya. Huh? Lumingon ako sa likod. Wala namang tao don. Saktong paglingon ko, hinalikan niya ako sa labi. It was warm, heart-pounding and gentle. My heart smiled. Another story has ended but like a rainbow, there comes a new beginning....

*INSERT "CLOSING TIME" by Semisonic*

WAKAS.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon