Maaga akong gumising the next day para mag-enroll. Sobrang hirap kasing kumuha ng subjects sa UP Diliman. Pila kung pila. Tapos kapag minalas ka eh mawawalan ka pa ng slot sa subject na kukunin mo.
"Ma, una na po ako sa school. Pakisabi naman po kay ate na sagutin yung phone kapag may tumawag okay? Iiwan ko po muna sa kwarto yun. Baka mawala eh. Byebye" kiniss ko siya sa cheeks at lumabas na ng bahay.
Tumagal siguro ng 45 minutes ang biyahe bago ako nakarating sa UPD. Dumiretso na ako sa Main office para icheck ang mga subjects na kukunin ko ngayong sem. Nagfill-up ako ng form, nagencode ng subject, tapos pumila na sa counter para magbayad ng tuition. Nasa Bracket A ako. But hep hep hep! Hindi kami mayaman. Sadyang nakabase lang talaga sa income ng family ang brackets kaya doon ako napunta.
Sa sobrang haba ng pila, napuno kaagad ang mga upuan. Normal na sa mga students dito na maupo sa sahig kaya umupo na rin ako don. Yung iba busy sa pagkukwentuhan with their friends, yung iba may hawak na laptop, may ilan na nagccp, at yung iba naman eh tulog.
"Amber? Uy ikaw nga yan!"
Napalingon ako sa gilid ko. Oh my gosh! Y-yung crush ko na blockmate ko last sem ang tumawag sakin. Sht sht sht. Trouble 'to!
I acted as normal as I can. Deep inside eh kinakabahan na ako na natutuwa. Akala ko kasi talaga magttransfer na siya ng school. Grabe kaya iyak ko nung nalaman ko yun.
"Uy ikaw pala Khen. Anong ginagawa mo dito? I thought-"
"Nope. Actually nakapagdecide na ako na why transfer pa eh sobrang prestigious na ng school natin? Tsaka I can't bear being far from my inspiration" Utang na loob bakit naman ang lagkit ng tingin niya sakin! Jusme tapos nagwink pa siya! Sabog na sabog na yung obaryo ko sa kilig.
"B-buti naman kung ganon. Ah eh, nakapagencode ka na ba?" kabado kong tanong. Sa isip ko, sana kaklase ko ulit siya ngayong sem. Huhuhuhu kahit isang subject lang. Hindi ko kasi siya ka-course. Theater Arts yung kinukuha niya. Nagkataon lang na may ilang subjects kaming parehong kinuha last year.
Ngumiti lang siya sakin at tumango. Uh oh!
![](https://img.wattpad.com/cover/32247848-288-k544795.jpg)
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomansaThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...