Bloody

2.4K 29 0
                                        

ANDERSON'S POV

Tinanggal na rin ng lalaki ang busal sa bibig ko. Pucha lintik lang ang walang ganti! Inipon ko ang laway ko sa bibig ko at idinura iyon sa babaeng nasa harap ko. Gentleman ako, oo. Pero sa mga ganitong sitwasyon kailangan kong ibalik lahat ng kababuyang ginawa nila sakin. Pusanggala naman. Bubusalan na nga lang nila ako ng panyo sa bibig yung nilublob pa sa putik.

"Aba loko ka ha! Kilala mo ba kung sino ang binabastos mo?" Galit niyang sigaw sakin at sinampal ako ng malakas sa pisngi.

Sa lakas ng sampal niya, halos mamanhid na ang bibig ko at sumisirit na ang dugo. Napapangiwi ako sa hapdi.

"Masakit ba? Hahahaha wala pa yan sa kalingkingan ng mga binabalak naming gawin sayo" Naglabas siya ng bote mula sa sakong dala niya at sobrang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko kung anong klaseng bote iyon.

"Scared? Don't worry mamaya ko pa isasaboy sa pagmumukha mo 'tong muriatic acid na hawak ko. Sa ngayon, kailangan mo munang matulog dahil kaabang-abang ang mga mangyayari mamaya. Mwahahaha"

"True! At bago ka namin torturin, syempre ipaparanas ko muna sayo ang sarap. Be happy dahil uubusin ko lahat ng katas na meron ka sa katawan mo" bulong ng lalaki este bakla sa likod ko. Dinilaan pa nito ang tenga ko na siyang nagpanginig sa kalamnan ko.

Ibang klase din talaga ang mga hayop na 'to! Kailangang makaisip ako ng paraan para makatakas. Hindi ako papayag na mamatay nang duguan. Ayokong nang dahil lang sa kahayupan ng mga baliw na 'to ay hindi matutuloy ang kasal namin ni Amber.

Lumikha ako ng kakaibang tunog mula sa lalamunan ko. In short, umungol ako kunwari. Patawarin nawa ako ng Diyos but I need to act this way para madistract ko ang baklang hindot na nakahawak sa kamay at katawan ko.

Umatras din ako ng konti patalikod para maramdaman niya ang katawan ko. Effetive naman ang ginagawa ko dahil umuungol na rin ang bakla. Lumuluwag na ang pagkakahawak niya sakin at sinamantala ko ang pagkakataong iyon para umbagan siya ng isang malakas na suntok.

"Akala mo ba makakatakas ka sa akin? Hell no!" mabilis na binuksan ng babae ang bote ng muriatic acid pero bago pa man niya maisaboy sa akin ang laman non ay isang malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid. Napatakip ako ng tenga.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon