Amber's POV
Dub dub dub dub.
May sasabihin daw sakin si tito! Ano kaya yun? Para akong timang dito kakaisip kung ano ba yun. Aamin na kaya sya na may feelings sya sakin? NO WAY! Saan ko naman ba nahugot yun? Hindi ngayon ang tamang oras sa pag-iilusyon. Mukha kasing anytime maiiyak na si tito eh. Ayokong makita syang ganyan.... nasasaktan ako. Naaawa ako sa kalagayan nya. Ano kayang problema?
"Uhm tito.. ano ba yung sasabihin mo?"
Umayos sya ng upo at tinitigan ako sa dalawang mata.
Ramdam ko yung pain na nararamdaman nya. Para bang may something sa mga mata nya na hindi ko maipaliwanag.
Maya-maya pa'y tuluyan na syang umiyak. Sa una, pahikbi-hikbi lang na kalauna'y biglang naging hagulgol.
THAT'S IT. His tears shows how terrible he's feeling at the moment.
"Amber.. panget ba ako.. ha? .. ganun ba ako.. kahirap.. mahalin?.. bakit ganun sya.. pinaasa nya lang.. ako .. sa wala.."
Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin sya. Ngayon lang ako nakakita ng guy na umiyak in sa harap ko mismo kaya medyo nataranta ako kung yayakapin ba siya o tatapikin lang.
"Ssh. Wag mong sabihin yan. Gwapo ka tito. Bulag lang ang makakapagsabing panget ka, okay? At tsaka hindi ka naman mukhang mahirap mahalin eh. Sa bait mong yan may mangre-reject pa ba sayo? Tanga nalang nung girl na gumawa sayo niyan"
I didn't mean to be that harsh. Nadadala lang ako ng emosyon ko. Oo! Nagseselos kasi ako. Sino bang hindi? Eh nalaman ko ba naman na yung mahal ko may mahal na palang iba.
"Kung pwede nga lang na ako nalang.. hinding-hindi ka iiyak nang ganyan. Kung hindi lang kita tito, siguro may chance pa na mahalin mo ko. Kaso napaka lupit ng tadhana. Sayo pa ako na-fall. Nakakainis. Nakakagago kasi" sabi ko sa isip ko.
"Pero Amber sya lang talaga eh.. sya lang ang mahal ko.. minahal at mamahalin .. ayoko nang mabuhay kapag di sya ang makakasama ko habang-buhay.."
Durog na durog na ako sa mga sinasabi ni tito. "Sino ba kasi yung babaeng yun at patay na patay ka sa kanya ha? Marami pa namang mas higit dun! Ako. Nandito ako tito oh! Sasaluhin naman kita eh. Handa akong suwayin sila mama para sayo" Gustung-gusto ko yang sabihin sa kanya kaso wala akong lakas ng loob para gawin yun.
NOT NOW... maybe next time. Baka lalo lang akong makadagdag sa problema nya. I'll just keep this to myself for awhile. Masasabi ko din lahat ng 'to sayo, tito.
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomansaThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...
