Vengeance

3.6K 65 0
                                        

Laking pasasalamat ko dahil dala ko ang wallet ko ngayon. Uuwi na lang ako mag-isa.

Pumara ako ng taxi at sumakay agad. Buti na lang din talaga at alam ni manong driver yung area kung saan kami nakatira ngayon.

Matapos ang isa't kalahating oras na biyahe, sa wakas nakauwi rin ako. Pagbaba ko ng taxi, lumingon muna ako sa garahe kung nandon na ba 'yung kotse ni papa. GOOD THING AT WALA.

Pumanhik ako sa loob ng bahay at dire-diretsong pumasok sa kwarto ko.

"Anong nangyari sayo Amber? Gosh! Umiyak ka ba? What happened?" Si Ate.

"W-wala 'to ate. Napuwing lang ako. Ang lakas ng hangin sa labas. Teka maghihilamos lang ako" pumasok ako sa CR at naghilamos nga. I stared at my reflection in the mirror.

"Ugh mukha na akong witch!" Masyadong haggard na ang mukha ko ngayon. May mga cuts sa pisngi ko pati sa ibaba ng labi. Messy ang buhok. Ano bang nangyari sakin?!

In no time eh nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. "Don't cry. Don't cry" bulong ko.

Kaso kahit anong gawin ko ayaw tumigil. Hindi ko makontrol ang emosyon ko. Mababaw na kung mababaw pero tagos sa puso ko 'yung sinabi ni Anderson kanina.

*tok tok tok*

"Amber, ang tagal mo naman yata sa CR? Ayos ka lang ba diyan?"

"..................."

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ni ate ang paghikbi ko.

"Amber?" Binuksan ni ate ang pinto.

"Omg baby girl bakit ka umiiyak? Stand up" sa sobrang pagpipigil ko eh hindi ko na namalayan na nakahiga na ako sa sahig in a fetal position. Nanginginig ang buo kong katawan.

"Sssh tahan na. Halika muna sa kama. You're in pain. Tell me, may kinalaman ba dito si tito I mean si Anderson?"

"H-hindi. W-wala lang 'to"

"'Yan na nga bang sinasabi ko eh. Sinaktan ka ba niya? Kaya ayoko talaga sa kaniya eh. Iba yung nasesense ko. Jusko halika reresbakan natin siya!"

Tumayo na kami papunta sa kama. Kumuha siya ng towel at extrang damit. Binihisan niya ako. Wala namang malisya samin kasi sanay na kami sa ganon.

After ko magbihis nagsimula na siyang magtanong.

"So tell me, ano bang nangyari kanina?"

Bumuntong-hininga ako.

"Pumunta kasi kami sa isang resort dito sa Pampanga. Nung una masaya kami though may mga di inaasahang pangyayari. Kakain na sana kami nun nang makita namin yung dating nililigawan ni Anderson. Hinalikan siya nung girl. Sinabunutan ko. Gumanti siya. Tapos ewan, nagdilim na yung paningin ko kaya nasampal ko siya ng malakas. Napahiga siya sa semento. Nahimatay. Ang mas ikinagalit ko eh bukod sa humalik pabalik sa Anderson,as inuna niya pa yung babaeng yun kaysa sakin. Ate ako ang girlfriemd diba? Dapat ako ang priority niya? Mali ba ako?"

Tumingin nalang ako sa bintana para mabawasan kahit papaano yung sama ng loob ko. Naramdaman kong hinawakan ni ate ang mga kamay ko.

"Look at me Amber" I looked at her.

"Baby girl, hindi mali yung ginawa mo kanina. Yes, if titignan mo sa ibang angle medyo selfish ka at medyo warfreak pero that's a normal instinct sa ating mga babae. When jealousy wins, nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi naman natin usually nagagawa. I know, naiisip mong maghiganti para makabawi ka. But hey hey hey! Joke lang 'yung sinabi ko kanina na reresbakan siya ha. Masama ang maghiganti. Hayaan mong maisip niya yung pagkakamali niya. Ganito na lang, magpalamig ka muna ng ulo bago kayo mag-usap ulit. Okay ba?"

Napakagat ako sa labi. Tama si ate. Hindi ko dapat masyadong pinoproblema yon. At isa pa, hinding-hindi ko dapat gawin ang maghiganti. I've had enough but I am willing to hear his explanation first.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon