Obsessed

3.4K 43 0
                                    

AMBER'S POV

Galit na galit sa akin si Khen. The next thing I knew, napaupo na lang ako sa lupa at namamaga ang pisngi ko sa lakas ng sampal niya.

"Tangina mo Khen! Bakit mo naman sinampal si Louise! For Christ's sake babae siya!" Beastmode na rin pati si Addie. Pero mas namomroblema ako sa sakit ng pisngi ko. Napahawak nalang ako sa damo sa sobrang sakit.

"S-sorry Amber d-di ko sinasadya" Hinawi ko agad ang kamay niya.

"Wag na wag mo'kong hahawakan! Wag mo na rin akong kausapin o lapitan dahil ngayon alam ko na ang tunay mong ugali, Khen. Ganun ba talaga kalaki ang galit mo dahil nireject kita? Alam mo, kung may chance lang akong mahalin ka pabalik ginawa ko na. But no. Iba ang mahal ko at isa pa engaged na kami. Kaya please lubayan mo na ako. Marami pang ibang babae sa paligid mo. Makakahanap ka rin ng babaeng kayang suklian ang pagmamahal mo..... at hindi ako 'yon"

Tumayo na ako at nagpagpag ng pantalon. Hawak ko pa rin ang pisngi kong nasampal.

"Tara bes punta na tayong clinic. Sobrang pula na ng kaliwang pisngi mo oh" I nodded.

Umalis na kaming dalawa ni Addie at iniwan naming tulala si Khen. Serves him right. Kung di lang ako mabait baka ginantihan ko siya.

"Bes wag na tayong pumunta ng clinic. Bili nalang tayo ng yelo. Baka ma-late tayo sa next class eh"

Pumunta kami sa isang store malapit sa building namin. Good thing at may bimpo akong dala.

"Grabe bes! Obsessed na obsessed sayo si Khen! Nakakatakot pala siya magalit. Hala paano kung one day bawian ka niya? I mean paano kung saktan ka ulit ng lalaking 'yun?"

Napaisip ako sa sinabi niya. What if kung bawian niya nga ako? Jusko panibagong problema na naman ba 'to? Kailan ba 'to matatapos? Or what if.... nagsisimula pa lang ang totoong struggles ko?

"Hayaan mo na siya, bes. Masakit naman din kasi mareject. Hindi mo pa kasi nararanasan yon kasi ikaw ang dumper hahahaha. I believe titigil na siya sa kahibangan niya. Marami kayang magaganda dito sa campus! Mas inaalala ko sa ngayon si Anderson. Jusmiyo bes ano na kayang nangyari sa kanya huhuhuhuhu"

She rolled her eyes. Aba for the first time! Nahawa na siguro siya sakin hahahaha. Nagtawanan lang kaming dalawa dun at pumasok na rin sa next class namin. Sana talaga mamaya macontact ko na si B. Miss na miss ko na talaga siya.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon