Operation

2.6K 26 0
                                    

CARLA'S POV

I changed my mind. I realized na hindi ko kakayaning gawin ang major and last mission ko nang mag-isa lang.

"Ready ka na bang masaksihan ang katas este hagupit ni Lady Deceiver?" 

Hah. "Of course! Mwahahaha humanda handa na sina Anderson at Amber sa bagsik nating dalawa. Sa wakas matatapos na rin ang problema ko plus makukuha mo pa ang katawan ni Anderson! Ngayon pa lang naaamoy ko na ang ating tagumpay!"

Nandito na kami ngayon sa UP Diliman kung saan nag-aaral si Amber. Tss. Yung babaeng yon tinanggap dito? Seriously? Wala sa itsura niya ah. 

Karag-karag ni Deceiver ang special bolo niya at mahahaba't makakapal na lubid habang ako naman ay may dalang panyo at ilang packing tapes. Nagtataka siguro kayo kung paano namin naipasok 'tong mga 'to no? Hahahaha easy. Inispray-an ko lang naman ng pampatulog ang guards sa back gate. Konti lang ang dumadaan kaya walang nakapansin. And isa pa, nakasakay kami sa kotse so for sure walang makakakita samin kahit pa nasa gilid yon ng hi-way.

"Hoy gaga alam mo ba pasikot-sikot dito? Hiyang-hiya naman ako sayo ha! Ginawa mo pa akong driver?! Punyeta ka talaga"

Binato ko siya ng tape at nasapol siya sa mukha. Pfffft. Yung mukha niyang hitik na hitik ng mga tigyawat ayon nagsiputukan na. Sobrang kadiri grabe. Tumutulo na yung nana. Yuck talaga.

"Nakakasakit ka nang bruha ka ha! Tangina mo ang sakit kaya maputukan ng tigyawat! Naku sarap mong tirising hayop ka. Bilisan mo na nga nang matapos na ang mission na 'to! Nagwawala na ang vajayjay ko sa katas ni Anderson!"

Aah kairita. Tinakpan ko ang tenga ko dahil hindi ko ma-take ang kabastusan ng bibig ni deceiver.

"Sa tingin mo ba pupunta tayo dito nang di ko alam? Duh you're wrong. Kabisado ko na ang sulok ng campus na 'to and I already knew kung saan hahanapin ang lovers. Bwahahaha"

"Bwahaha"

"Bwaha"

"Ha"

"Tse!"

"Operation paghiwalayin sina Anderson at Amber, set in!"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon