ANDERSON'S POV
Papunta ako ngayon sa bukirin nina Lola. Gusto ko sanang magpasama kay Amber kaso kanina ko pa sya hinahanap pero di ko sya makita eh.
Balak ko pa naman sana na dalhin sya sa lugar na madalas kong pagtambayan. Nasaan kaya siya ngayon?
Nagsa-soundtrip lang ako habang naglalakad. Thinking Out Loud yung kanta. Nakakainis man pakinggan, no choice ako kasi ito lang naman ang naka-save sa phone ko. Wala akong panahon para magdownload ng kanta.
Bigla kong napansin na damit pala ni Lola 'tong suot ko! Hala. Loose shirt kasi 'to kaya di ko agad napansin. Para tuloy akong bakla. Medyo pink pa ang kulay! Nagmasid ako sa paligid. Buti walang tao!
Binilisan ko nalang ang paglakad. Pati pala tsinelas ko, pink din! Sa ate ata 'to ni Amber eh. Bakit ba kasi dire-diretso ako palabas. Nakakahiya kung sakali mang may makakita sakin.
Tumingin ulit ako sa paligid. Nahagip ng mata ko ang dalawang taong sweet na sweet sa isa't-isa.
"Amber?"
Di nga ako nagkakamali. Si Amber yun at kasama nya yung taong kaagaw ko lang naman sa taong nambasted sakin.
"Oh tito ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dito?"
"Ako dapat ang magtanong sayo nyan Amber. Anong ginagawa mo dito at kasama mo pa yang lalaking yan? Kanina pa kita hinahanap! Nakikipaglampungan ka lang pala sa kung sino"
Hindi ko alam pero bigla na lang nag-init ang ulo ko. Siraulo 'tong gago na 'to! Pati pamangkin ko gustong landiin. Kating-kati na ang mga kamao ko na suntukin sya ngayon mismo.
"Tito naman! Masama na bang mag-unwind? Tsaka nag-uusap lang kami ni Jared. Wala namang masama dun!"
She spoke in a very cold voice. Wag mong sabihing nagpapaloko sya sa gagong yun? Puta babangasan ko talaga sya!
"Amber, halika na. Wag kang sumama sa kung sinu-sino. Probinsya to. Maraming gago sa paligid"
![](https://img.wattpad.com/cover/32247848-288-k544795.jpg)
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
Lãng mạnThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...