Paper Airplane

3.8K 70 0
                                    

"1,2,3 smile!" Sabay click. Mission accomplished! Nakaya ni Anderson na hawakan at buhatin 'yung ahas. Ngumiti siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you Amber. Sobrang laking bagay sakin na maovercome yung fear ko sa snakes. Nakaya ko, B!" I hugged him tightly. Nakakaproud sabihin na ako ang dahilan para mawala ang fears niya. I did it! For real!

Naglibot pa kami ng konti sa mini zoo. Syempre hindi mawawala ang picture taking namin sa bawat hayop na nandun.

"Look! Ang daming paper airplane sa taas!" sabay turo ko sa taas. Nakalabas na pala kami sa mini zoo. Ibang area na itong napuntahan namin.

Tumingin naman siya sa direksyon na itinuro ko. Tumango-tango siya at masayang pinagmasdan ang mga eroplanong gawa sa papel na pinapalipad ng mga staffs ng resort.

Kung iisipin, dagdag lang naman sa kalat yung paper airplanes. Natatapakan. Nasisira. Pero nang makasalo ako ng isa, nalaman ko na hindi pala ordinaryong paper airplanes ang mga iyon. Sa likod kasi ng mga papel eh may nakasulat ng love poems. POEMS! OH MY GOD.

"B, alam akong aliw na aliw ka sa pangongolekta ng mga 'yan pero guess what?"

"Huh? What?"

Kumuha siya ng panyo mula sa bulsa niya at blinindfold ako. Uh oh.

"A-anong meron?" Alam kong surprise yon pero jusko nakakahiya. Ang dami pa namang tao sa paligid.

I heard him chuckled. "Basta! Simple lang naman 'tong inihanda ko pero sana....... sana magustuhan mo, Amber"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon