"Salamat sayo baby girl ha. Napagaan mo ang loob ko. Ano nga palang pangalan mo? At nasaan ang mommy mo?"
Nagsmile muna siya bago sumagot. "Ako po si Tewecce Patwisha. Nasa loob si mama. CR" Sabay turo niya sa loob. Natuwa naman ako sa kanya.
"You mean Terrece Patricia? Cute name! Parang ikaw" She giggled. Lumabas na ang mommy niya at tinawag na siya. Tumakbo na siya paalis habang nagwewave. I waved back.
Pagtayo ko, nakita kong papalapit sa direksyon ko si Anderson. Nawala ang ngiti sa labi ko.
"S-sor-ry A-amber" hingal na hingal siya. Hindi ako nagsalita.
"Look. I'm very sorry kasi iniwanan kita. Ikaw naman kasi B. Bakit mo siya sinampal at sinabunutan? See? Napahamak siya" I glared at him.
"So siya pa ang kinampihan mo? Ako pa ang masama? Sino kaya sa amin ang malandi at nanghalik sa hindi naman niya boyfriend?" Kumukulo na talaga ang dugo ko sa inis.
"Kahit na. Hindi tama 'yung ginawa mo kanina. Paano kung mas malala pa dun yung nangyari sa kanya? Damn Amber! Ang immature mo pa rin hanggang ngayon!"
Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa narinig ko. Immature? Ako? At sa bibig niya pa mismo nanggaling?
"Alam mo, sobra ka na eh. Ganyan ba talaga ang epekto ng nahalikan? Nawawala sa tamang pag-iisip? Hello Anderson! Girlfriend mo ako. GIRLFRIEND! Masama bang magselos ha? Kasi sa pagkakaalam ko kapag sayo, dapat ipaglaban mo. I guess mali na pinaglaban kita. Ang tanga ko. Sobrang tanga!"
Umiiyak na naman ako. Masyado nang masakit ang mga salitang binitawan niya at tapak na tapak ang ego ko.
"H-hey B let me explain!"
Ayoko nang makarinig pa ng masasakit na salita kaya tumakbo nalang ako. Ganito naman palagi ang ginagawa ng nasasaktan. Tumatakbo palayo. Pilit na tinatakasan ang makamandag na salitang nagmumula sa taong mahal mo. Mga salitang lalason sa sistema mo. I gave up.
![](https://img.wattpad.com/cover/32247848-288-k544795.jpg)
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...