Condition

3.5K 59 3
                                        

AMBER'S POV

Nag-uumapaw ang puso ko sa sobrang saya. Sa wakas makakapag-unwind na rin ako. Gusto ko na kahit na itong gabi na lang na 'to eh mapuno ng masasayang alaala ang pagstay namin dito sa Pampanga. Labag talaga sa kalooban kong umuwi na bukas kaya lang hindi ko pwedeng takasan ang mga responsibilidad ko.

"B, say aaaaah" binuka ko naman ang bibig ko dahil susubuan ako ni Anderson ng pizza. Hahahahaha akala niya ha! Favorite ko kaya ang pizza at kaya kong umubos ng 2 boxes.

"My turn! Say aaaah" binuka niya rin ang bibig niya. Pang 6th slice na niya 'to at mukhang hindi na niya kayang lunukin ang pizza na isinubo ko. Tawa ako ng tawa sa reaction niya. Para siyang najejebs na ewan. Wala, mahina sa pagkain!

"Awat na B. Di ko na kayang kumain pa ng pizza. Busog na busog na ako huhuhu"

Since may dalawa pang slices ng pizza sa plate, inubos ko na yun. Nagkwentuhan lang kami about sa favorite foods namin pati ang mga ayaw naming pagkain.

"B! Pwede ba tayong dumaan mamaya sa NBS? May titignan lang akong books. Miss na miss ko na ang mga libro. Pretty please?" para pumayag talaga siya ay nagpout pa ako tsaka puppy eyes.

"Hmmmmm"

"Ano na B?"

"Sa isang kondisyon"

"Hay nako B alam ko na 'yan hahahaha. Kung ayaw mo wag nalang. Baka mapahamak ako sa kondisyon mo. I know you! Masyado kang pilyo" sabay taas baba ng kilay.

Tumawa siya ng mahina.

"Promise hindi 'to kalokan, B. Gusto ko lang ng ano......."

"Ng?"

"............"

Ngumuso naman siya. Hindi ko nagets. Lumingon ako sa likod baka may tinuturo siya.

"Wala namang tao B. Ano na ba kasi yon?"

Ngumuso ulit siya. Nakita ko namang malisyosong nakatingin ang mag-asawa sa tabi namin.

"B ano ba yan. Nakakahiya. Last mo na yan hahahaha!" bulong ko.

"Hindi mo ba nagets?" he frowned.

"Hindi eh. Ano ba yun?"

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Malakas ang kiliti ko sa parte na yun kaya napangiwi ako. Narinig kong nagbulungan ang mag-asawa.

"Susmaryosep patawarin nawa ang mga kabataang ito. Dito pa sa mall naglalampungan jusko talaga. Kay babata pa naman"

Namisunderstood yata nila yung ginawa ko. Hinatak ko na lang tuloy si Anderson palayo. Nakakahiya talaga. Akala siguro nila nagaano kami.

"B naman! Di ko pa nga nasasabi sayo eh. Hmp" I rolled my eyes.

"O sige na nga. Pero mamaya mo na sabihin. Malapit na yung NBS oh. Tara na B"

Buhay na buhay ang dugo ko nang makakita ng mga libro! WOW! Masusi kong inisa-isa ang bawat libro na makita ko. Marami na kong collection ng books sa bahay. Isa sa mga hinahangaan kong author ay si Paulo Coelho! At ang Adultery at The Alchemist ang dalawa sa paborito kong gawa niya.

After 1 hour, may nakita na akong book na type kong bilhin. The Selection series by Keira Cass. Isang set ang kinuha ko at binayaran ko na sa counter. Si Anderson naman ay bumili din ng We were Liars book na gawa ni E. Lockhart.

Lumabas kami sa NBS nang masaya. Ngunit sa loob ko ay kinukutuban na ako ng masama sa kung ano bang kondisyon niya.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon