Nandito na kami ngayon sa Manila. Okay inhale exhale. Di naman ako kinakabahan masyado pero kinukutuban ako na may mangyayaring masama mamaya. I really don't know. Pero baka dala lang 'to ng pagod.
"Ate saan ba tayo magbibihis? Don't tell me doon mismo kina Georgianne tayo magpapalit ha? Hell no. Nakakahiya"
"Amber naman, ako pa ba? Of course I made sure na comfortable ka mamaya. May alloted hotel naman for guests and dun tayo magbibihis. Don't worry baby girl dahil malayo yun sa bahay nila tita"
I sighed in relief.
Dumiretso na kami sa hotel na sinasabi ni ate tapos nagprepare na kami for Georgianne's debut mamaya.
Now all is going according to plan. Dumiretso na kami sa mismong gaganapan ng debut, sa mansyon ng mga Dela Vega.
Sa entrance palang puno na ng mga security guards para magbantay. Pagpasok namin sa loob, halos lahat ng mga kamag-anak ng daddy ni Georgianne ang nandun. The rest mga friends ata ni Georgianne. Kami lang ni ate ang kamag-anak ni Tita Jewel.
"Ay nandun na pala sina Tita at Tito. Tara batiin natin sila"
Sumunod nlang ako kay ate. Oo na ako na talaga ang kabado. Nakakatakot kasi si Tito Max. Twice ko palang ata syang nakikita at pangatlo na 'to.
"Good evening po tito and tita" sabay naming bati sa kanila.
Bumeso kami kay Tita at nagmano naman kami kay Tito. Ohhh-kay. He's nice naman pala. But still, nakakatakot yung aura nya. Ay ewan.
Few minutes later, lumabas na rin yung debutant. Makalaglag-panga talaga yung ganda ni Georgianne. No doubt na malaking pera ang inilaan ng family nya for her special occassion.
Natapos na yung 18 candles, roses at treasures pati na rin ang pagblow niya ng cake so bale kainan na. Kanina ko pa nililingon kung nasaan na ba si ate kaso 'di ko sya makita. Hindi ako mapakali dito.
"Hi miss. Can I sit here?"
Tinignan ko lang yung lalaking nasa harap ko. Gwapo naman kaya lang medyo naaamoy ko sa kanya ang scent ng sigarilyo at alak.
"No. May kasama kasi ako"
"Look, just for a while lang naman. Wala pa naman yung kasama mo eh. You'll enjoy my company. I assure you"
Napa-tss nalang ako. Panay daldal nya sakin. Ni hindi ko naman maintindihan kasi lango sya sa alak.
"Oy mish, magshalita ka nemen. Oh gushto moow ng drinksh? enom ka mowna"
Pilit kong nilalayo yung inaabot nya kaso sadyang malakas sya kaya natapon sa dress ko yung wine.
Sa galit ko sinampal ko yung lalaki. Bigla namang lumapit si Georgianne sa table namin.
"How dare you to slap my fiancee? Ate Amber sinisira mo yung debut ko alam mo ba yun? Look lahat sila pinagtitinginan na tayo. C'mon cousin! Can you just go out? Now!"
Halos mabingi ako sa sigaw nya.
All eyes are on me. Sana lamunin na ako ng lupa! Nakakahiya talaga."I said get out! Guards, pls get this girl out of our mansion!"
Nagsidatingan naman yung mga guards at hinila na ako palabas. Sht! ito na ba yung nasesense ko kanina?
"Wait kuya tatawagin ko lang yung ate ko. Papasukin nyo muna ako saglit oh. Promise lalabas din ako!"
Nagmamakaawa na ako sa kanila kaya lang ayaw nila akong papasukin sa loob. Dala pa naman ni ate yung pouch at nasa loob nun yung phone ko. Paano na 'to?!
Naiyak na lang ako sa inis.
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...