Chapter 4: "A Misunderstanding"

4.1K 107 0
                                    

Days passed by. Habang papalapit ang Ppop Concert grabe na ang paghahanda ng grupo. Pero hindi naman sila nawawalan ng isang araw ng pahinga. Habang may kanya kanyang gawain ang bawat members biglang nagpaalam si Mikha.

Mikha: "Ate colet alis muna ako"

Colet: "Huh?!

Mikha: "Alam na nila Miss MQ at ate jovy nakapagpagpaalam na ako"

Colet: "Pero akala ko di ka aalis today?"

Mikha: "Biglaan lang"

Sobrang seryosong mukha ni Mikha na nag aayos at alam ni Colet na hindi ito mapipigilan pag ganun na ang awra nito.

Colet: "Ikaw lang?"

Mikha: "Baka.. di ko alam"

Colet: " Mikha yung totoo?!"

Mikha: "Sige na ate pag nag tanong sila asan ako sabihin mo lumabas lang saglit."

Sabay bukas ng pinto at alis ito. Hindi na ito lumingon at naiwan naman si Colet na nagtataka.

Colet's PoV: "Anu kaya nangyari dun?!"

Napagpasiyahan ni Colet tumayo at pumunta sa kabilang kwarto. Sa pintuan pa lang dinig na dinig na ang tawanan nina Sheena at Jhoanna. Kumatok ito at pumasok. Busy sa kanya kanyang ginagawa ang 6 na nasa loob. Tumingin at ngumiti sa kanya ang anim at dumiretso ito kay Jhoanna. Umupo ito sa tabi ng huli na abala sa pakikipag harutan sa bunso nila.

Colet: "Jho, alam mo ba na aalis si Mikha?"

Natigilan si Jhoanna at ang iba pa. Napakunot ng noo si Aiah. Kinuha naman ni Jhoanna ang fone nito.

Jhoanna: "Ay may message nga si Miss MQ na aalis muna si Mikha at nag message din si Mikha sa akin. Teka nakaalis na?

Bumangon sa pagkahiga si Aiah.

Aiah: "Umalis siya? Bakit di siya nagpaalam?"

Colet: "So wala ka ring idea?

Aiah: "Magkachat kami kanina pero wala siyang nababanggit"

Maloi: "Kahit sa group di nagpaalam?"

Stacey: "Anyareh dun?!"

Aiah: "Teka tatawagan ko nga."

Nag dial ito ng number ni Mikha.

"Bhie❤" ringing...

Ring lang ring ang kabilang linya. Seryoso na si Aiah kasi never ginawa ni Mikha to. Ang hindi mag paalam sa kanya. Habang nag riring biglang nag off ang kabilang linya. Senyales na pinatay ni Mikha ang telepono.

Aiah: "What the...?"

Colet: "Aiah.."

Aiah: "What is her problem?!"

Nainis na si Aiah at tinapon na ang fone nito sa kama. First time na pinatayan siya ni Mikha ng fone.

Gwen: "Relax Ate aiah. Baka may ginagawang importante lang si Mikha"

Aiah: "At least she sends a message! At talaga pinatayan niya ako ng fone? She never did that!"

Stacey: "Ate Aiah chill lang. Hintay lang baka may ginagawa nga lang si Mikhs."

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon