Chapter 33: "Not Okay?"

2.1K 64 3
                                    


Ilang araw din ang nagdaan pagkatapos ng SM All Star Games ay naging sobrang abala ang BINI sa mga ganaps nila, kasama ang shooting at mga recordings. Kasama din sa mga dapat abangan ay ang pag release ng Paraluman MV na pinagbibidahan nina Aiah at Aki. Sobrang excited ang dalawa at sobrang halata na rin nagiging malapit na sila sa isa't isa. Hindi pa man inaanunsyo ang sunod nilang proyekto ay marami nang haka haka tungkol sa kanilang dalawa. Napasubo sila sa chismis na on dating stage na silang dalawa at kelangan magsalita ni Aki kaagad dito nung ininterview sila. Nalaman kasi na magkasama ang dalawa sa isang private event at may ilang media na andun at na ambush interview sila.

Reporter: "Aki, Aiah totoo ba na kayo na?"

Aki: "Po?!!! Hahaha Hindi po!"

Reporter: "Ilang events na or date na nakita kayong dalawa at marami nagtatanong anu ang real score sa inyong dalawa"

Bago sumagot eh tumingin muna si Aki kay Aiah at pareho silang natawa.

Aki: "Real score? Ahmmm We're friends po. Really really good friends"

Aiah: "Magkaibigan lang po talaga"

Reporter: "Wala bang ligawan na nangyayari?"

Aiah: "Aki?"

Aki: "Yes Aiah? Hahahaha"

Pareho lang silang natawa.

Aki: "Wala po"

Reporter: "May chance ba na maging kayo?"

Aki: "We never know po lahat may chance"

Reporter: "Aiah may chance ba si Aki pag nanligaw siya?"

Aiah: "Ahhhh Let see na lang po pag nanligaw na siya. Pero so far po magkaibigan lang po talaga kami"

Reporter: "Salamat Aki, Aiah sa pag papaunlak ng interview na to"

Aki&Aiah: "Thank you din po".

Natapos yung interview at napalalim ang buntong hininga ni Aiah. Minsan hindi na niya alam kung siya pa ba ang sumasagot sa lahat ng tanong na yun. Good thing Aki is always be there for her.

That midnight Paraluman MV will be release. Kinakabahan silang dalawa at sasabayan nila ang release with their live reactions thru kumu live. 15 mins before midnight nakaupo na sila sa harap ng pc kung saan naka live na pala ito. Madami nang nakakanuod sa kanila.

Aki: "You okay?"

Aiah: "Yeah"

Hinawi ni Aki ang buhok na nakaharang sa mukha ni Aiah.

Aiah: "Thank you"

Halos di magkamayaw ang mga fans nila sa Live. Nag uusap lang ang dalawa hanggang sa sinabi sa kanila na kanina pa sila naka live. Nagulat sila pareho at Aiah became unease. Hinawakan naman siya ni Aki sa kamay at may binulong ito sa kanya.

Nag umpisa na ang premiere ng Music Video at hindi mapigilan nang lahat kiligin kahit si Aiah at Aki namumula rin. Trending silang dalawa at ang MV.
After ng premier ay nagpasalamat sila sa sumama sa kanila para manuod. Masaya naman ang dalawa sa kinalabasan ng unang proyekto nilang pinagtambalan. Nauna nang ihatid sina Aiah at RM nito sa BINI. Nakatulog si Aiah sa balikat ng binata ginising naman siya nito ng dahan dahan.

Aki: "Ya, Bahay na tayo"

Nagmulat ng mata si Aiah.

Aiah: "Thanks Aki"

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon