Chapter 55: "Time Needed"

2.2K 87 18
                                    

Aiah saw the photo of Mikha and Jazz hugging each other like they're real couple. Naging blanko ang lahat dito. Biglang tumunog ang kanyang telepono and she answer it unconsciously.

Colet Calling...

Colet: "Hello. Yah asan ka? Tapos na exam mo?"

Aiah: "Hi Cols. Ahmm. Yeah.. tapos na pauwi na ako ng condo. Bakit ka napatawag?"

Colet: "Kamusta exam?"

Aiah: "All is good Cols. Pwede na huminga. Hehe"

Colet: "Buti naman. Papunta kami sa condo mo."

Aiah: "Sino sino kayo? As in ngayon na?! Talaga naman oo hindi pa ako nakapaglinis."

Colet: "Yep ngayon na after dito sa training diretso na kami dyan. Kami na ang maglilinis wag ka mag alala"

Aiah: "Nakakahiya! Kayo talaga oo."

Colet: "Basta pupunta kami. Umuwi ka na dun. Okay?"

Aiah: "Oh-okay".

Colet: "Bye. See you later"

Aiah: "See yah"

Pinatay na ng nasa kabilang linya ang tawag nito at nagpasya na rin si Aiah umuwi. Habang ang Bini girls naman ay tapos na sa training nila at naghahanda na magpahatid kay Aiah. Tahimik lang ang lahat na nag aayos.

Binasag ni Mikha ang katahimikan.

Mikha: "Ahmm Girls, you will go somewhere?"

Colet: "Kay Aiah. Gusto mo sumama? Ay, Baka may lakad ka pala kaya hindi ka makakasama?"

You can clearly hear sarcasm on Colet voice. Sinuway ito ng kasintahan.

Jhoanna: "Colet!"

Napayuko lang si Mikha. She can sense that her co members already saw the picture that is going around across the social media. Kaya inunahan na niya ito.

Mikha: "Guys, Tha-that picture it was nothing. Wala  lang yun. Walang ibig sabihin yun."

Nakuha ni Mikhs ang atensyon ng anim na kaibigan. And Colet couldn't stop the anger that she is trying to hold on.

Colet: "Ay! Bakit sa amin ka nagpapaliwanag?! Girlfriend lang? Kami ba si Aiah?! Alam mo,  sumosobra ka na ah! Anu kasalanan ni Aiah sayo Mikhs?!"

Hindi na napigilan ni Colet ang saloobin at sumabog na nga ito. Jho and Maloi rush to her side para awatin siya coz they can feel her outrage to Mikha.

Maloi: "Colet tama na yan!"

Nakayuko na lang ang iba while Jho is holding Colet to stop her to whatever possibility could happen. Some of them are starting to cry witnessing what is in front of them right now.

Colet: "Bakit ako?! Di ba dapat siya?! Kausapin niyo siya sa mga kinikilos niya. Kung ano ang epekto nito kay Aiah."

Matalim na tiningnan nito si Mikha

Colet: "Ang gago mo din Mikhs eh! Yan lang masasabi ko sayo. Pasalamat ka nakakapagpigil pa ako ngayon kc kung hindi, naku baka anu magawa ko sayo."

Jhoanna: "Tama na anu ba!"

Hinarap na ni Jhoana si Colet sa kanya.

Jhoanna to Colet: "Please love, tama na! Gets kita na gusto mo protektahan si Ate Aiah. Pero please! Si Mikha yan oh. Kaibigan din natin yan."

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon