Chapter 49: "Confrontation"

2.5K 91 23
                                    

Ilang araw ang lumipas ay walang naging kibuan sina Mikha at Aiah tungkol sa nangyari. Wala ding nakakaalam sa paglalasing ni Mikha ng gabing yun kundi si Sheena lamang maliban kay Aiah. Isang araw habang nasa rehearsal sila ng isang concert na kung saan sila ay guest seryosong inaayos nila ang mga blockings sa mga performances nila.

Biglang may pumasok na isang staff ng event na yun at kinausap ang isa sa mga coach ng BINI. May ibinulong ito sa kanya at may nilingon sa may bandang pinto.

Coach Mickey: "Ah excuse me girls, mag break muna kayo"

Isa isa naman huminto ang mga BINI members at pumunta sa mga gamit sa gilid para kumuha ng tubig, pampunas sa pawis at fone.

Coach Mickey: "Btw, Aiah? I think you have a delivery outside"

Nagtaka naman si Aiah na nagpupunas ng pawis.

Coach Mickey: "There is some delivery for you. Please get it kanina pa naghihintay ang delivery guy"

Aiah: "Ah okay po"

Naglakad na si Aiah papuntang pinto kung saan may naghihintay sa kanya na delivery guy. May hawak itong isang boquet na rosas na pula.

Delivery Guy: "Ms. Aiah?"

Aiah: "Yeah po, ako po yun"

Delivery Guy: "Delivery po para sa inyo"

Inabot ng delivery guy ang bitbit na bulalak kay Aiah wala naman magawa ang dalaga para tanggapin ito.

Delivery Guy: "Pa sign na lang po dito Ma'am na narecieve niyo po."

Aiah: "Teka po, meron po ba nakasulat kung sino sender?"

Delivery Guy: "Unknown po Ma'am eh. Pasensiya na po"

Aiah: "Ah okay po, Salamat po"

Delivery Guy: "Pero may card po jan Ma'am"

Tiningnan ni Aiah ang bulaklak at meron ngang isang maliit na card. Kinuha niya ito.

Aiah: "Salamat po ulit kuya"

Delivery Guy: "Walang anuman po, sobrang ganda niyo po. Kung ako sa sender, araw arawin ko bigay sayo ng bulaklak."

Napangiti naman si Aiah.

Aiah: "Kayo talaga kuya, pero thank you po"

Delivery Guy: "Sige po maam"

Nang makatalikod ang delivery guy ay bumalik na rin si Aiah sa loob ng rehearsal. Lahat ng tao sa loob ay nakatingin sa kanya.

Stacey: Aba may pa flowers! Miss Jovy oh!"

Nagtawanan ang ibang girls at ibang staff.

Aiah: "Stacku, sssshhhhh"

Sheena: "Aba may bagong admirer Ate Oiah?"

Aiah: "Anong admirer bunso, bawal!"

Maloi: "Bawal daw, weeeee?? Pero kanino galing Ate?"

Napakibit balikat si Aiah. Pero tinaas nito ang maliit na card na kinuha niya kanina sa flower.

Colet: "Pang ilan mo na yan ngayong linggo?"

Gwen: "Oo nga Ate Aiah, halos araw2x ata may flowers ka. Alam na alam pa kung saan ipapadala."

Aiah: "Hindi ko rin alam kung sino ang nagpapadala"

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon