Chapter 29: "A Date"

1.8K 58 13
                                    


Hatinggabi na ng makauwi si Aiah sa BINI house at tulog na mga members nito. Dahan dahan itong pumasok sa kwarto nila para mag ayos na. After mag shower at magbihis ay lumabas muna ito saglit sa kwarto ag pinuntahan ang kasintahan. Buong araw ay magkausap naman sila sa chat pero gusto niya pa rin masiguradong okay lang ito. Pinihit nito ang door knob at pumasok sa kwarto ng tatlo. Tinungo nito ang kama ni Mikha. Tinabihan niya ito at di naman natinag ang huli hudyat na sobrang lalim na ng tulog nito. Nilapit nito ang bibig sa tenga ni Mikha.

Aiah: "Mahal na mahal kita"

At di namalayan ni Aiah na nakatulog ito sa tabi ng nobya. Mag uumaga ng maramdaman ni Mikha na may nakayakap sa kanya. Kahit di niya pa nakikita ang mukha ng katabi napangiti eh.

Mikha's PoV: "That familiar scent!"

Pumihit siya paharap sa katabi at bumungad dito ang magandang mukha ng kasintahan.

Mikha's PoV: "She's so beautiful really even when sleeping. "

Tinititigan lang ni Mikha si Aiah. Hanggang sa uminat ito ag nagmulat ang mga mata. Ngumiti ito matapos sa kasintahan at sumiksik sa mga bisig nito.

Aiah: "Let's sleep more"

Mikha: "Yeah go sleep pa!"

Nakatulog nga ulit si Aiah while si Mikha naman ay nakapikit lang ang mga mata.

Mikha's PoV: "Thank you for always coming home to my arms. Mahal na mahal kita Maraiah"

Halos hingal na hingal na ang walo sa dance training nila para sa half time perfomance nila sa Star Magic All Star Games. Habang nagpapahinga ay tumunog ang fone ni Aiah. Nakita ito ng ibang girls kung sino tumatawag.

"Aki Mori" calling...

Jhoanna: "Ate Aiah, fone mo po!"

Aiah: "Who is it?"

Tinungo nito ang fone at napangiti ito ng matamis. Hindi naman ito nakaligtas sa ibang girls na nagtinginan lang din.

Aiah: "Ooohhh its Aki Guy!"

Napalingon si Mikha sa kanya.

Aiah: "Hiiiii!!!"

Excited na sagot ni Aiah sa taong nasa kabilang linya.

Aki: "Hindi ko kinaya ang energy"

Aiah: "Hahaha nakatulog ng maayos eh"

Aki: "Sana all"

Aiah: "Napatawag ka?!"

Aki: "Hmmmmm Kakatapos lang kasi ng Practice namin eh yung team na mga kasama natin kahapon nag aaya ng dinner daw"

Aiah: "Sayo nag aya eh bat mo ko dinamay?"

Aki: "Tita Aiah, kakahawak mo lang ng fone mo noh?"

Aiah: "Actually yes, kasi tumawag ka. Why?"

Aki: "Nagmessage po si Direk Tony sayo"

Aiah: "Ay! Weh?!!!"

Aki: "Sabi na nga ba eh"

Aiah: "Sorry naman po"

Aki: "So please be ready at 6:30 pm susunduin kita! No buts and all nakapag paalam na po ako kag Miss MQ at Miss Jovs. Decision ako eh"

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon