Chapter 31: "SM All Star Games"

2.1K 58 9
                                    


It's a Star Magic All Star Game Day! Halos hindi magkanda ugaga ang lahat. Well pwera sa lima na natutulog pa sa mga kama nila. Nauna kasi sina Maloi, Mikha at Jhoanna sa Araneta. Mga 5 am andun na ata sila to watch Daniel Padilla play game badminton at para na rin suportahan sina Akira at Gelo. A night before may inihanda pa ang girls for Mikha and their sibling group. Gumawa sila ng banner na gagamitin nila para pang cheer sa laro ng ilang members ng bgyo at ni Mikha. Habang nasa sasakyan ay halos maantok antok pa ang tatlo.

Maloi: "Jho paalala mo nga bakit tayo maaga pa nagising papuntang araneta?"

Jhoanna: "Para kay Kuya Dj ate maloi!"

Mikha: "Bakit Ate Maloi may pag sisisi ba na maaga ka nagising? 🤣"

Maloi: "Sana talaga sulit to Jho naku! At ikaw Mikhs bakit ka sumama sa amin?

Mikha: "Ate maaga din kaya call time namin sumabay lang ako sa inyo"

Jhoanna: "Hahaha gusto mo na ba mag back out Ate Maloi?"

Maloi: "Naiinggit ako sa lima till now sarap tulog eh"

Mikha: "Hahahaha umidlip ka muna kasi. Masiyadong excited eh"

Maloi: "Sige nga makaidlip nga muna"

Mikha: "Oo para may energy ka mamaya pag nakita mo na si Kuya Daniel"

Jhoanna: "Sino ba kasi nag utos sa atin matulog ng halos 2 am na?"

Mikha: "Banner pa more! Hahaha"

Jhoanna: "Kaya yan! Hanggang half time performance mamaya! May limang naka reserve naman ang energy eh"

Mikha: "Kawawang lima eh nanahimik sa bahay"

Jhoanna: "Hahahahaha. Ganun talaga!"

Nailing na lang si Mikha. Nanahimik naman ang sasakyan at di naman kasi makakailang inaantok pa silang tatlo. Nakarating na sila sa Araneta at pumwesto na sa sila sa upuang nakalaan sa kanila.

Maya maya ay nagkagulo na sa loob ng Araneta sa pagdating ni Daniel Padilla na maglalaro sa badminton doubles. Halos di magkamayaw lahat. Naka agaw ng atensiyon sina Maloi at Jhoanna na fan na fan ang dating. Tuwang tuwa ang mga tao sa kanilang reaksiyon ni animoy hindi ito mga Ppop Idols. Si Mikha si Aki at Gelo kasama sina Miss MQ at Miss Jovs ay hindi kinaya ang reaksiyon ng dalawa.

Miss Jovs: "Hoyyyy may performance pa kayo mamaya!"

Mikha: "Hindi ko po talaga sila kilala!

Jhoanna: "Grabeeeee ang gwapo talaga ni Kuya DJ!"

Aki: "Jho ang sakit nang hampas mo ah!"

Maloi: "Napaka gwapo niya talaga nag iisa lang talaga ang isang Daniel Padilla!!!!"

Gelo: "Aki masakit ba?! Hahahahahaha"

Miss MQ: "Siguraduhin niyo lang aabot mamaya yang energy niyong dalawa ha"

Aki: "Grabe kayo!"

Mikha: "Buti na lang dalawa lang to at naiwan ang lima sa bahay"

Grabe ang tawa nilang lahat dahil sa nangyari. Nasabunutan pa kasi ni Maloi si Jhoanna dahil sa sobrang kilig. Halos takpan na lang ni Mikha ang mukha nito kanina dahil sa pagwawala ng dalawa. Ang mga sumusunod na mga pangyayari ay hindi inasahan nina Jhoanna at Maloi. Nagbigyan sila ng pagkakakataong malapitan at makausap si Daniel Padilla. Pinirmahan nila ang banner na ginawa nila. Hindi naman mapagsidlan ang tuwa ng dalawa.

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon