Chapter 19: "Support System"

2.2K 49 1
                                    

Hinayaan na muna ng anim ang dalawa sa terrace. Kahit sila nagulat sa mga pangyayari. Bumalik sa loob ng bahay si Colet pagkatapos ihatid ang tubig na hiningi ni Aiah.

Jhoanna: "Baka naman pwede ko na malaman anu ba talaga nangyari"

Seryoso na si Jhoanna. Tumingin lahat kay Colet.

Colet: "Nakita ng common friend namin ni Aiah si Mikha nung holy week na kasama si Gello. Buong araw hindi konontak ni Mikha si Aiah. Sabi ni Mikha may dinner ito with family."

Stacey: "Teka so parang that night magkadate si Mikha at Gello?"

Colet: "Parang yun ang labas. Hinihintay ni Aiah na magsabi si Mikha. Pero hindi kasi sinabi ni Mikha na yun nga ang nangyari. So parang ang dating tinago ni Mikha yung gabing yung with Gello"

Gwen: "May dinner date nga bang naganap? At bakit sila magkasama?"

Colet: "Yun ang di ko alam. Kaya hindi na ako nag komento kahit gusto kong ta tanungin si Mikha. Wag daw muna sabi ni Aiah. Wag daw mag jump sa isang bagay na hindi naman daw sigurado"

Maloi: "So nagets ko na nung sumunod na araw eh kinukulit ako ni Mikha na tawagan si Ate Aiah."

Colet: "Bakit daw?"

Maloi: "Hindi sinasagot ni Aiah mga messages niya at tawag. Pero sabi naman nito na silent niya lang ang fone niya kasi kahit ako nakailang dial pa bago sagutin."

Colet: "Medyo nag ooverthink na si Aiah nun. Pero hinintay niya na si Mikha magsabi sa kanya."

Sheena: "Pero okay naman sila. Sa Sky Ranch nakita ko nagyakapan sila at nag usap pa."

Colet: "Marami pa nangyari after nung dinner date kuno"

Jhoanna: "Yung dumating kayo galing bakasyon. May nararamdaman na ako na iba nun"

Colet: "Sinabi kasi ni Mikha na andito siya. Magkikita sila. Pero sa inyo niya pa nalaman na may taping si Mikha. Hindi sinabi ni Mikha sa kanya "

Maloi: "Kaya pala tumawag ulit si Mikha sa akin at nagtanong kung okay lang si Ate Aiah."

Colet: "At nang gabing yung nagpost si Direk Chad ng IG story na hinatid ni Gello si Mikha sa sasakyan pabalik dito. At ang sweet daw."

Sheena: "So lahat yun nakita ni Ate Aiah"

Colet: "Oo. At yun na nga ang last kanina."

Jhoanna: "Anu ba nangyayari kay Mikha?"

Gwen: "Feeling ko may rason si Mikhs kasi hindi iiyak at magmamakaawa kay Ate Aiah ng ganyan yan kung may something eh"

Colet: "Nahirapan si Aiah. Pero pilit niya inintindi ang sitwasyon kasi nga iniisip niya trabaho natin at ni Mikha."

Stacey: "Kaso nga di na napigilan ang pagsabog"

Sheena: "Hindi rin naman natin masisisi si Ate Aiah"

Maloi: "Pero hayaan natin magpaliwanag si Mikhs. Baka may dahilan talaga"

Colet: "Mababatukan ko na talaga yang dalawang yan pramis. Pigil pigilan niyo ko"

Jhoanna: "Hayaan na muna natin. Hindi naman maghihiwalay yan."

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon