Chapter 7: "A Little Flashback (Dubai)"

2.7K 67 0
                                    


Habang naka break for rehearsal nang BINI for Ppop Con. Tahimik lang sila at may kanya kanyang ginagawa. Si Aiah nakaupo lang sa isang tabi at nag browse lang ito ng mga social media accounts niya. Nag hahanap ito nang mapost sa IG hanggang sa mapunta ito sa mga pictures nila sa Dubai. Mostly her and Mikha's pictures. Unconsciously she is smiling while going through with it. Memories are coming back of the said trip. Kung paanong nagsimula ito sa sobrang badtrip na Mikha umaga ng flight nila papuntang dubai. Natatawa ito. She remembered how she and Mikha got a cold war because of Mikha's not so goodmorning mood.

Flashback:

October 29, 2021 (Morning flight to Dubai)

Nasa sala na ang ibang girls nang makitang pababa si Aiah at sobrang seryoso. Nakahanda na lahat ng gamit nila at nasa sasakyan na rin ang maleta nila.

Colet: "Oh bakit ganyan ang mukha mo?"

Tanong ni Colet kay Aiah.

Aiah: "Yang kaibigan mo pagkulang talaga sa tulog.. Ay naku!"

Sheena: "Hahaha.. Si Mikha.. hindi ka pa sanay Ate Aiah?"

Aiah: "Sanay na sanay na kaso wag lang ngayong araw at ayaw ko masira ang araw na to. Bahala na nga siya jan."

Nauna na si Aiah pumunta sa sasakyan at umupo na dun. Kibit balikat na lang sina Colet at Sheena na naiwan lang sa sala at hinihintay ang iba. Maya maya ay nakompleto na rin sila. Dalawang van ang gagamitin nila. Bumukas ang pinto ng van at nagulat si Jhoanna na nakapwesto na si Aiah dun. Ang seryoso nito sa fone.

Jhoanna: "Ate Aiah, andito ka pala. Pero bakit si Mikha sa kabilang sasakyan?"

Aiah: "Umakyat ka na Jho at maupo dito sa tabi ko."

Wala naman nagawa si Jhoanna at sumakay na lang sa sasakyan at naupo nga sa tabi ni Aiah. Hindi na rin ito nagtanong at sobrang seryoso kasi nang panganay nila. Dumating na rin sina Gwen at Maloi na parehong nagtaka na andun si Aiah nakaupo. Sumenyas na lang si Jhoanna na wag na magtanong.

Sa kabilang sasakyan naman ay tahimik lang din sina Stacey, Colet at Sheena. Si Mikha kasi halatang wala sa mood. Wala na rin nagsalita hanggat umalis na ang van patungong NAIA. Pero mayat maya hindi nakatiis si Stacey.

Stacey: "Teka nga Mikhs, bakit andito ka at wala ka dun sa kabila?"

Mikha: "Ayaw mo ko dito?"

Seryosong tanong ni Mikha. Natigilan naman si Stacey at di na nagtanong ulit.

Colet: "Mikhaela ano problema?"

Mas seryosong Colet ang sumali sa usapan.

Mikha: "Wala"

Sheena: "Hayaan na natin si Mikhs muna."

Si Sheena na nararamdaman na ang tensyon sa dalawang kaibigan. Hindi rin nakatiis si Stacey na halata na rin pagkainis.

Stacey: "Wala ka naman sa mood dahil?"

Mikha: "Wala Stacku. Pakitext na lang si Jho kung kamusta si Aiah sa kabilang van"

Napatampal sa noo si Colet at gusto na batukan si Mikha. Gusto na rin matawa ni Sheena. Nagpipigil din si Stacey kasi katabi nito si Mikha.

Sheena: "Bakit di mo na lang imessage si Ate Aiah?"

Tanong ni Sheena kay Mikha.

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon