Chapter 44: "Mikha Lim"

2.4K 79 43
                                    

Continuation....

Hindi makapaniwala si Mikha sa narinig galing kay Aiah?

Mikha: "What?!"

Aiah: "Me or Him?!"

Mikha: "Aiah naman bakit naman tayo aabot sa ganito?"

Aiah: "Choose him maybe. Yeah. Choose him!"

Mikha: "AIAH!"

Napalakas ang boses ni Mikha at wala na siyang paki alam kung may magising siya sa loob ng bahay. Nag umpisa na namang lumabas ang mga luha ni Mikha.

Aiah: "Maghiwalay na tayo Mikha"

Walang emosyon na sabi ni Aiah sa kaharap.

Mikha: "Aiah naman ano to? Jinojoke mo ba ako? Pina prank mo ba ako?!"

Aiah: "No I am not! Let's break up. Nahihirapan ka na sa relasyon natin and I am setting you free"

Mikha: "FUCK AIAH!

Nagulat naman si Aiah kay Mikha but she stood her ground.

Aiah: "Let's end this Mikhs. Be with him! You're always choosing him. So yeah! Go!"

Mikha: "No! No! No! Aiah.. please No.. don't do this! I love you so much baby.. dont leave me! Baby! I love you so much!

Aiah: "I am so sorry Mikhs pero hanggang dito na lang tayo"

Tumalikod na si Aiah. At hindi na napigilan ni Mikha ang bumuhos ang grabeng emosyon.

Mikha: "Aiah please, don't leave.. please don't leave me.. Please please please!!!

Halos paluhod na si Mikha at nakatingin lang si Aiah sa kanya at nag patuloy itong naglakad paakyat ng handang.

Mikha: "No! Please don't leave me baby! Pleaseeeee..... !!!!!!!"

"Mikhs! Hey Mikhssss! What happened... Mikha Lim please wake up!"

Napabalikwas si Mikha at napabangon bigla puno ito ng pawis at basang basa ang mukha nito ng mga luha. Grabe din ang hingal nito na akala mo ay kung sino ang humahabol dito.

"Ei, nanaginip ka. Bad nightmare?"

Tsaka lang nakilala ni Mikha ang nagsasalita at bakas ang sobrang pag aalala sa mukha nito. Bigla itong niyakap ni Mikha ng mahigpit at tuluyan na ngang humagulgol ng iyak.

"My gosh! Mikha Lim ano nangyayari sayo?"

Mikha: "Stay please!"

Lalong humigpit ang yakap ni Mikha sa nagsasalita. Mahigpit na yakap din ang ginanti nito para lang makalma si Mikha.

Napaupo na ito sa sofa at hinayaan na lang si Mikha na umiyak sa mga yakap nito. At nang maramdaman niya na tapos na ang paghikbi nito ay magsasalita nasa kaso napansin niyang hindi na ito gumagalaw at nakatulog na nga. Napabuntong hininga na lang siya at hinayaan na lang si Mikha na nakatulog at inayos nya ang posisyon nilang dalawa. At mayamaya ay dalawang tao na ang natutulog sa sofa.

Kinabukasan maagang bumaba si Maloi at nakaramdam ito ng gutom. Nang pamansin ang dalawang tao na natutulog sa sofa.

Maloi's PoV: "At bakit dito natulog tong dalawang to?"

Nagdahan dahan lang si Maloi para hindi magising ang mga mahimbing na natutulog.

Nang makaramdam na may gumalaw sa kusina ay nagising ang isa sa mga natutulog. Napansin ito ni Maloi.

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon