Chapter 28: "La Union"

1.8K 64 10
                                    


Umuwi na rin sina Aiah after ng dinner at pina alalahanan ang mga ito na magising ng maaga at 2am pa lang ay aalis na ang team nila para lumuwas. Pagdating sa BINI house dumiretso si Aiah sa kwarto nilang lima dun naabutan niyan nakahiga sa kanya kanyang kama ang apat at mag kanya kanyang ginagawa.

Aiah: "Good evening girls!

Jhoanna: "Ate Aiahhhh!!!!!"

Gwen: "Ate Aiahhhhhh!!! Na miss ka namin!!!!"

Aiah: "Talaga lang ha. Parang di naman!"

Stacey: "Hahaha.. kamusta araw Ate Aiah"

Aiah: "Okay lang din, kakaiba sa usual days natin pero masaya pala siya"

Jhoanna: "Ay hala ka nag enjoy na siya. Ate Aiah ha"

Maloi: "Ate Aiah what is this?!"

Aiah: "Kayo talaga, bago pa lang kasi sa akin kaya siguro for me nag enjoy ako"

Gwen: "Kamusta kasama si Aki?!"

Nagtinginan ang tatlong babae kay Gwen. Buti na lang at di ito napansin ni Aiah.

Aiah: "Ayun walang dull moment, lame pa rin ang jokes pero enjoy kasama"

Jhoanna: "Ganun lang si Kuya Akira pero funny naman siya"

Aiah: "Super! Haha"

Nagtinginan lang ang apat sa sagot ni Aiah.

Aiah: "Teka lang guys ha"

Maloi: "Sige lang te"

Lumabas si Aiah sa room at pumunta sa kabilang room. Naabutan niyang natutulog si Mikha at Sheena while si Colet ay nakahiga lang sa kama.

Aiah: "Hi Cols"

Colet: "Ya, kanina ka pa?!"

Aiah: "Kakarating ko lang din. Ang aga naman natulog niyang dalawang yan"

Naupo si Aiah sa kama ni Colet.

Colet: "Napagod sa training ngayong araw. Ikaw? Kamusta ang araw mo?"

Aiah: "Okay naman! Ito mag aayos lang ng gamit at bukas eh maaga pa alis namin"

Colet: "Oo nga pala. Ingat ikaw bukas ha. Kayo ni Akira."

Aiah: "Opo Mother Nicolette. Hehe"

Colet: "Nag uumpisa ka na naman ah. Di ka pagod?"

Aiah: "Pagod. Kamusta siya?!"

Nakatingin sa natutulog na si Mikha.

Colet: "Dahan dahan ya ha. Kilala mo yang jowa mo."

Napabuntong hininga na lang si Aiah.

Colet: "Sige na tabihan mo na muna. Iwan ko muna kayo at ako naman punta dun sa kabila. Please lang huwag niyong magising si Sheena ha."

Aiah: "Oo na mag goodnight ka na kay Jhoanna"

Sinamaan ng tingin ni Colet si Aiah.

Aiah: "Magkukuwento ka sa akin sa ayaw mo at sa gusto"

Colet: "Ay naku Maraiah jan ka na nga sa jowa mo. Si Sheena ha!"

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon