Chapter Twenty Nine

566 15 17
                                    

ANICA POV

Nakaupo ako ngayon sa lugar kung saan tanaw ko ang dagat, tumila naman na ang ulan pero andyan parin ang napaka dilim na kalangitan, simbolo na meron pa itong ibabagsak na malakas na ulan mamaya, kitang kita ko kung paano humampas ang malakas na alon sa dalampasigan habang sumasalubong saakin ang malakas na hangin.

Nang dumating si axel kanina at dumeretso sa kwarto kung saan andun si cheska ay agad din akong umalis para may privacy silang dalawa.

Hanggang ngayon ay nasa isip ko parin ang sinabi nito.

Nasa kalagitnaan naman ako ng pag iisip ng maramdaman kong may tumabi saakin.

"Galit na galit yung dagat ano?" Agad akong napatingin kay JC na kasalukuyan namang nakatingin sa dagat.

"Im not mad tulad ng dagat, im just hurt" Sagot ko naman dito.

"Parang ang bigat ng nararamdaman ng panahon" Muling sambit nito na sa dagat parin ang tingin, tahimik lang naman ako saka ibinalik ang tingin sa dagat.

"For now all I want is a clear mind Jc, I accepted already, but still makes me sad" Sagot ko dito atsaka pumikit para damahin ang hangin.

Naramdaman ko naman na hinawakan ni jc ang kamay ko atsaka sinabi ang katagang "Letting go is hard anica, but often better"

Siguro nga ay tama syang bitawan ko na si axel. Lalo na at ikakasal na sya kay cheska, isang totoong kasal at hindi katulad ng samin na peke.

Naramdaman ko naman ang paghawak nito sa balikat ko at pag lapat ng palad sa noo ko.

"May sinat ka anica, bakit hindi ka man lang nagsuot ng panlamig?" Tanong nito dahilan para magmulat ako at maramdaman nanaman muli ang init na lumalabas sa ilong ko.

"Ano ka ba jc, sinat lang to di ako mamamatay" sagot ko dito at tumawa ng pilit.

"Tara sa rest house ko, Duon nalang tayo mag kwentuhan at ng makapag kape tayo" pagkasabi nya non ay agad na kaming tumayo at dumeretso sa rest house nya na hindi naman kalayuan.

Pagkapasok palang namin ay naramdaman ko na agad ang lamig na nang gagaling sa aircon dahilan para mapayakap ako sa sarili ko.

"Sorry, open ko lang heater" pagkasabi ni jc non ay dali dali na itong nawala kaya naman mas minabuti kong maupo nalang muna sa sofa na andun.

Hindi naman nagtagal ay naramdaman ko na ang unti unting pagkawala ng lamig, sigurado akong nabuksan na nito ang heater ng bahay. agad ding lumitaw si jc sa kung saan na may dalang panlamig.

"Gamitin mo muna yan" Inabot nya saakin to kaya naman sinuot ko na.

"Coffee? Tea?" Tanong nito.

"Hot chocolate meron ba?" Pagkasabi ko non ay muli nanaman itong umalis para kumuha.

Agad akong na amaze sa itsura ng rest house nya, simple lang ang design nito at wala masyadong display.

Pero makikita at makikita mo kung gaano kaganda ito.

Dahan dahan naman akong tumayo at nilibot ang kabuuan ng bahay.

"Maganda ba?" Agad akong napalingon kay jc na kasalukuyang ibinababa na sa lamesa ang dalawang hot chocolate na dala nya.

"Oo, ikaw nag design?" Tanong ko dito pero iling lang ang isinagot nito.

"Fiance ko" agad naman akong nagulat, may fiance sya? "Dati" dugtong nito atsaka umupo sa upuan.

"Sorry" mahinang sambit ko atsaka muling umupo sa kinauupuan ko kanina.

Hindi ko alam na may kwentong pag ibig din pala si JC.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon