Chapter Twenty

232 6 1
                                    




JC POV

Nasa labas ako ng hospital room ni anica ng matanaw ko ang halos patakbo ng si rieca. here we go again.....

"Anong nangyare?!" Agad na bungad nito sakin.

"Hindi ko alam" Tipid na sagot ko dito, aalis na sana ako ng hawakan ako nito sa braso.

"Can we talk?" Tinignan ko lang ito at mukhang nakuha nya naman agad ang sagot sa mga tingin ko "Please?" Pakiusap nito kaya naman wala na akong nagawa.

"Pakibilisan lang" wala sa mood na sabi ko bago ako nito hinila papasok ng kwarto ni anica.

"Alam kong mahal mo ang trabaho mo pero kahit nagyon lang Jc" Pakiusap nito sakin atsaka lumapit kay anica na natutulog.

"hindi mo dapat kinukunsinti ang masamang gawain ng kaibigan mo rieca" Paliwanag ko naman dito saka sumandal sa pader.

"Inosente si anica maniwala ka, Pinapaimbistigahan na ni sean para malaman kung sino talaga ang may kagagawan" Natawa naman ako sa sinasabi nito. inosente? really?

Nagulat naman ako ng bigla itong magkwento, At mapapansin mo talaga dito na sobra ang paniniwala nyang wala talagang kasalanan si anica. Napaisip din ako sa kwento nito na baka nga set up ang lahat.

"Did anica? told you?" Tanong ko dito at agad itong tumango.

"Maybe gusto nya lang bilugin ang ulo nyo at paniwalain sa mali" Sagot ko dito sabay ngisi.

"Kilala ko si anica, Hindi nya magagawa ang bagay na yon Jc" Laban parin ni rieca dahilan para mapailing-iling nalang ako.

"Hindi ko alam kung anong dasal ang ginawa ng babaeng yan sainyo para ganon nya nalang makuha ang loob nyo ni sean" Hindi naman na ito nagsalita pa.

"Done? Andami ko ng oras na nasayang para sa babaeng yan" Sabi ko habang nakatingin sa babaeng wala paring malay.

"Wag ka munang umuwi,Walang kasama si anica" Sabi nito at agad na lumapit sakin. Eto na ang kinakatakutan ko ang humingi nanaman ito ng pabor at alam kong wala akong magagawa.

"So?" Inis kong sabi dito, Ano naman kung walang kasama si anica? mawawala ba yan? uunahan ko na sana ito sa pag alis ng hawakan ako nito.

"Babalik din ako agad, Ngayon kasi ang libing ng daddy ni axel" Paliwanag nito at agad ng tumakbo "Thank You" Aangal pa sana ko kaso huli na, At ayun nga iniwan na ako nito ng hindi man lang tinanong kung may tulog ba ako.

Agad akong lumapit kay anica at tinitigan ang kalagayan nito bilib din ako sa lakas nya. If totoo man ang sinasabi ni rieca sobrang nakakaawa ang babaeng ito, mahirap narin kasing maniwala sa tagal ko na sa larangan ng trabaho ko marami na akong nakitang sobrang galing sa pag papanggap.

"Why didn't you tell me you were this hurt?" Bulong ko sa babaeng mahimbing na mahimbing na natutulog.

"How did you endure the pain?" Halos hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa braso nitong ngayon ay nakabandage na. Agad ko naman napansin ang pag galaw nito kaya agad akong tumakbo sa sofa na andon at agad humiga at nagpanggap na natutulog.

ANICA POV

Agad bumungad sakin ang kulay puting kisame, Nasaan ako? Agad kong nilibot ang paningin ko at agad nahagip ng mata ko ang lalakeng natutulog sa sofa.

Si Jc ba ang nagdala sakin dito? If sya nga may tinatago din palang kabaitan itong tao nato.

Nakumpirma ko lang na nasa hospital ako ng makita ang mga nakatusok sa katawan ko. Agad akong napabuntong hininga dahil sa kamalasan ko.

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon