Chapter Twenty Seven

898 22 26
                                    

AXEL POV

Agad kong naramdaman ang hapdi sa mukha ko ng bumungad sakin ang lamig na nang gagaling sa aircon.

Agad akong tumawag para mag order ng beer at ipaayos narin yon sa loob ng fridge ang bilin Kopa sakanila ay kailangang puno iyon.

Dumeretso na ako sa banyo para mag shower at linisan ang sugat na natamo ko sa mga suntok ng kaibigan ko.

bumungad sakin ang isang bote ng alak na mukhang galing sa hotel nato, hindi ko na iyon pinansin at tinuloy na ang mga dapat gawin.

Agad naman na akong natapos sa pag sho-shower at dumeretso na sa kusina para kumuha ng beer at umpisahan ng uminom.

Habang umiinom ako agad rumihistro sa isip ko ang paghawak ni anica sa kamay ng pinsan ni sean na si Jc

Gustong gusto ko na silang sundan kanina ng sabay nila akong talikuran pero para san pa? Bakit kailangan ko pa silang sundan?

Nakakailang can narin ako ng bote ng marinig ko ang pag bukas ng pinto.

Agad akong nagpatugtog para naman hindi tahimik ang paligid.

Alaala (MM Madrigal)

parang kahapon lang
magkasama lang
magkayakap sa ulan

Tinuon ko lang ang pansin ko sa iniinom kong alak. Hindi ko alam kung bakit andito pa sya pagkatapos ng lahat.

tanda kopa noong
unang nagkita
ang yong mga mata
at ako'y na bigla

Agad na kinuha ni anica ang iilang lata ng beer na wala ng laman saka nilagay sa basurahang hawak nya. Naiinis ako sakanya dahil kinakaya nya parin akong harapin kahit na sobra sobra na yung ginawa ko sakanya.

nung lumapit
ay kumapit
parang isang panaginip
ayokong magising

Hindi ko sya binibigyan pansin at mas itinuon pa ang atensyon sa iniinom. Maya maya lang ay nagtungo ito sa fridge at saglit na natigilan.

ngunit nasan kana
ako ay mahal mo paba

Hindi ko inaasahang umupo ito sa harapan ko na may dalang tatlong can ng beer, saka agad na binuksan ang unang can atsaka ininom ng tuloy tuloy.

parang kahapon lang
magkasama lang
magkayakap sa ulan
parang kahapon lang
magkasama lang
wala na ang lahat

Nakatingin lang ako dito na parang isang babaeng uhaw na uhaw sa alak.

at naalala
nung tayo pang dalawa
palaging masaya
walang problema

"Bakit andito kapa?" Agad itong napatingin sakin, pero hindi ako nito pinansin at agad na ulit  binuksan ang pangalawang can ng beer, at tulad kanina ininom nya ulit ito sa isang lagukan lang.

naiisip
yakap mo't halik
sana'y
bumalik

Bubuksan nya na sana ulit ang pangatlong can ng beer ng agawin ko ito at ibato sa kung saan, hindi ko kaya, Hindi ko nagugustuhan yung nakikita ko, ayokong maging miserable sya tulad ko.

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon