Chapter Ten

201 4 0
                                    

ANICA POV

"Kalimutan mo na siya, Kakalimutan ko na din siya. Sabay natin silang kalimutan. Magtulungan tayo"

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang sinabi na yon ni axel kahapon, Yes kailangan na naming mag move forward, kailangan na naming kalimutan ang mga taong nagpadurog saamin sa nakaraan.

"You okay?" Agad naman akong napalingon sa kakagising lang na si axel.

"O-Oo naman" Pilit ngiting sabi ko dito.

"You sure?" Ulit na tanong nito sabay patay ng kanina pa palang kumukulo na tubig.

"Iniisip mo pa din ba si mr.wright?" Seryosong tanong nito sakin habang kumukuha ng fresh milk sa fridge.

"Bakit ko naman iisipin yon?" Tanong ko dito atsaka kinuha ang niluto kong almusal para samin.

"I dont know the whole story pero sa tingin ko hindi lang basta special si wright sayo" Pagkasabi non agad itong umupo para mag almusal na.

"He's not that special, Sige na kumain na tayo" Mukhang napansin naman nitong naiwas ako kaya tumahimik nalang ito at kumain.

Agad din naman kaming natapos sa pagkain, umakyat na si axel para mag ayos dahil may pasok pa ito sa trabaho ako naman ay agad na niligpit ang pinagkainan namin.

Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng tumunog ang cellphone ko may tumatawag. Agad naman nangunot ang noo ko ng mabasa ang nasa screen Unknown number?

"Anica it's me" muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng marinig ang boses nito.

"E-eduard?" Utal kong sambit sa kabilang linya.

"Anong Eduard?! Hindi mo ba ako namiss?" Masayang sabi nito sa kabilang linya.

"B-Bakit ka napatawag?" Hindi ko mapigilang manginig habang kausap ko ito.

"Lets meet sa favorite nating kainan im on my way na see you, miss na kita" pagkasabi nya non agad nya ng pinatay ang tawag.

Paano? Paano ko sasabihin sakanya?

—————

Nasa restaurant na ako kung saan kami magkikita ng pinsan kong si eduard. Hindi parin mawala sakin ang kaba.

"Anica!" Sigaw ng isang lalake sa di kalayuan habang nakaway. Sya na nga, ang pilit kong tinataguan.

"Eduard?" Mahina kong sambit dito saka umupo sa katapat nyang upuan.

"Kamusta ka?" Bungad nito sakin.

"Ayos lang naman ako" Sagot ko sa tanong nya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Seryosong tanong nito habang naka tingin sa mga mata ko. Alam kong alam nya na.

"im sorry" Tanging nasabi ko nalang.

"Anica, Seryoso kana ba sa pinasok mo?" Halata sa boses nito ang pag aalala.

"Maiintindihan mo din ako" Pagkasabi ko non agad itong pumikit atsaka tumango.

"How about evan? I saw him last night with his fiance" Agad naman akong nagiwas ng tingin dito at tinuon sa pagkaing nasa harap ko ang atensiyon.

"See? Stop pretending. Alam kong mahal mo pa" hindi ko na sya muling kinibo kumain lang ako at iniba ang usapan.

Kailangan ko ng maging matatag.

AXEL POV

Hanggang ngayon napapaisip parin ako kung anong meron kay wright at kay anica, Kung bakit ganon nalang yung iyak ni anica kahapon. Kung bakit parang sobra yung pain na nararamdaman nya. Gusto ko sanang itanong sakanya kanina kaya lang halatang naiwas sya.

"Sir?" Agad naman akong napatingin sa secretary ko na mukhang kanina pa nasa harapan ko.

"Ano yon?" Tanong ko naman dito saka umayos ng upo.

"May meeting po kayo ngayon kay Mr.Wright" Agad namang napakunot ang noo ko meeting kay wright? Sa pagkakatanda ko wala akong meeting sa tao na yon.

"Wright? You mean Evan Wright?" Muling tanong ko dito at baka namali lang ito.

"Yes sir. Hindi po kasi ata available si ms.Alferez kaya po ang kanyang fiance ang inyong makakausap" Naliwanagan naman agad ako sa sinabi nito, agad ko na itong sinenyasan atsaka tumayo para pumunta sa malapit na coffee shop kung saan kami magkikita.

Agad ko namang nakita si wright pagkapasok ko ng shop kaya agad akong lumapit dito, dahan dahan naman itong tumayo at inilahad ang kamay nya.

"Nice meeting you again, Mr.Fuentabella" sambit nito.

"Me too, Mr.Wright" sambit ko kasabay ng pagtanggap sa kamay nyang nakalahad. Pagkatapos non ay sabay na kaming umupo.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Im here about sa business dea-" Hindi ko na sya hinayaang makatapos.

"I rejected it already" Putol ko sa dapat na sasabihin nito. Halata naman sa mukha nito ang pagkadismaya hindi dahil sa sinabi ko kundi siguro sa inasta ko.

"Bakit hindi nalang kayo lumapit kay Mr.Xavier? Kay Mr.Alleje? O kaya kay Mr.Montefalcon? About sa offer nyo?" Muling sabi ko sa nananahimik na tao sa harapan ko.

"We can't reach them" Simpleng sagot nito, at walang kaemo-emosyon.

"Sorry for the effort Mr.Wright pero pakisabi nalang sa fiance mo na rejected na ang offer nya sakin. " Pagkatapos kong sabihin yon tumingin ako sa relo ko dahil sa tingin ko nagsasayang lang ako ng oras dito.

"May sasabihin kapa ba? Dahil kung wala na pwede na akong umal-"  Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin nito.

"Is anica alright?" Agad napakunot ang noo ko ng mapasok si anica sa usapan namin.

"Yes, Of course, Bakit naman hindi sya magiging ayos?" Seryosong tanong ko dito.

"Ingatan mo sya, Sya yung babaeng dapat ingatan" Pagkasabi nya non binigyan nya ako ng isang pilit na ngiti.

"Then why? Bakit hindi mo sya iningatan?" Hindi ko alam, pero iyon yung lumabas sa bibig ko.

"Asawa kana nya pero hindi mo parin alam ang past ng asawa mo?" Takang tanong nito na parang hindi makapaniwala.

"Ayoko lang na ibalik pa yung past nya, lalo na kung magiging dahilan ng pagkalungkot nya" seryosong sabi ko dito atsaka tumayo na, dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.

Tumalikod na ako at nagumpisang maglakad palayo dito.

"Dahilan para ikalungkot nya? Then it means she still love me" Mahinang sabi nito pero sapat para marinig ko.




Sorry po sa super late UD nahirapan narin ako sa sobrang tagal nakalimutan ko na kung ano yung takbo ng story 😅 I hope na still support nyo parin po ako.

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon