Chapter Twenty Three

228 5 0
                                    

ANICA POV

Yakap-yakap ko ang sarili ko habang mahigpit na nakahawak sa kumot na nakabalot sa katawan ko, hindi ko mapigilan ang hindi lumuha dahil sa nangyare. Sobra kong kinamumuhian ang sarili ko nagmukha akong mababang babae.

Kitang-kita ko kung paano ako tratuhin ni axel kanina at ayokong tumagal ang ganon, Ayoko yung axel ngayon.

Hindi ito ang pinangarap ko, Hindi gantong pagsasama ang gusto ko pero heto ako ngayon, Tinatanggap lahat.

"D*mn kung makaiyak ka akala mo naman may nawala sayo" Inis na sabi ni axel na kalalabas lang ng banyo. Dahan dahan akong tumayo sa kama kahit na sobrang sakit ng puso ko at the same time ng pagitan ng hita ko.

"Hindi narin ako nagtataka" Agad akong humarap dito na ngayon ay titig na titig din sa mata ko habang nailing, Pagkamuhi at galit ang nakikita ko sa mga mata nito.

"Sino ba nakauna? Si evan? o si Jc?" Kung pwede ko nga lang isigaw sa harap ng mukha nya na sya ang nakauna sakin.

"O baka naman sabay?" Agad na lumipad sa pisnge nito ang palad ko, At sa hindi ko inaasahan agad ding lumipad sa pisnge ko ang palad nito dahilan para mapasalampak ako sa sahig.

"Wag mo kong subukan anica" Galit na sabi nito atsaka ako mahigpit na hinawakan sa braso saka itinayo.

"Wag kang umastang malinis" Masakit... Sobrang sakit sa physical at emotional. agad kong hinigpitan ang hawak ko sa kumot para hindi matanggal sa katawan ko. kinaladkad ako nito palabas sa kwarto nya at agad na hinagis sa kung saan.

"Thanks for tonight whore" Walang emosyon na sabi nito saka naghagis ng ilang libo sa mukha ko atsaka padabog na sinara ang pinto ng kwarto nito. Agad nagsituluan ang luha ko, Ganon na ba ang tingin nya sakin? isang bayarang babae? wala na ba talaga syang natitira na kahit anong respeto para sakin?

Agad na akong tumayo saka tumakbo papasok sa kwarto ko at nilock ito saka dumeretso sa shower para kuskusin ang katawan ko nandidiri ako sa sarili ko. Galit ako.... galit na galit ako.

Sa sarili ko....

-----

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyare yon at hindi na naulit pa, Hindi narin kami nagkakausap ni axel. Kapag umuuwi sya dinadaanan nya lang ako hindi rin ito lumalabas ng kwarto nya.

Pero kahit na ganon mas gusto ko na yon kesa naman maulit na nag uuwi sya ng babae o kaya naman ng mga tao dito para uminom.

Naisipan kong gawan sya ng almusal ngayong umaga dahil wala si manang cel dahil nagbakasyon ito kasama ang apo nya nakakalungkot lang dahil wala akong kakampi sa susunod na ilang linggo.

Agad na akong naghanda ng plato ng marinig ko ang mga yapak ni axel mula sa hagdan. Bumungad sakin ang axel na walang kaemo-emosyon ang mukha lagi naman eh ano pa bang aasahan ko?

"K-Kumain kana" Kinakabahan kong sabi dito, Hindi ko alam kung bakit kinakabahan parin ako eh sa loob ng isang linggo hindi naman ako nito pinapansin hindi rin nito ginagalaw ang pagkain na hinahanda ko pero hindi parin ako nawawalan ng pag asa na mapapagod din ito sa pambabalewala sakin.

At tulad nga ng dapat kong asahan dinaanan lang ako nito at dumeretso ito sa fridge para kumuha ng tubig na maiinom, Pero imbis na malungkot ngumiti ako atsaka kinuha ang tinidor at tinusok ang german sausage na niluto ko saka agad na lumapit kay axel na dala parin ang ngiti ko sa mukha.

"Sabi ni manang cel paborito mo daw to" Nakangiting sabi ko dito atsaka itinaas ang hawak kong sausage para sakanya, Agad naman akong inakyatan ng kaba ng ibinaba nito ang baso atsaka tumingin sa sausage na hawak ko.

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon