Chapter Twenty Four

328 9 3
                                    

ANICA POV

Tahimik kaming nakarating ni rieca kung nasaan ang tatlong magkakaibigan na sina axel, Xander at sean.

"Mukhang kailangan ko na ulit magdagdag ng lagayan ng mga damit mo" Ililing-iling na sabi ni sean habang kinukuha ang mga pinamili ni rieca.

"Buti alam mo" Tumatawa naman na sabi ni rieca sa asawa.

"Pero may kapalit" Sabi nito sa asawa na ikinapula ng pisngi ni rieca sabay hampas dito. Sobrang nakakatuwa silang tignan.

"So? Sabay-sabay na tayong umakyat para makapag ayos" Tumatawang sabi ni xander saka sinuot ang shades na hawak nya.

"Xander I'm watching you" Madiin na sabi ni rieca kay axel at tumingin ng masama dito.

"Don't worry rieca hindi ako lalandi, Loyal ako sa asawa ko" Tawang tawa na sabi nito saka umakbay kay axel.

"Let's go?" aya nito saka kumindat samin, Agad naman na kaming tumungo para kunin ang key card ng mapansin ko ang pag kunot ng noo ni axel ng isang key card lang ang inabot sakanya.

"Mauna na kayo may pupuntahan pa kami ni anica" Agad na sabi ni axel, Agad naman ngumiti si xander saka sumenyas kila sean. Nang mawala na sila sa paningin  namin agad na lumapit si axel sa babaeng kinuhanan nya ng key card.

"Miss? Where's the other key Card?" Tanong ni axel sa babae na agad naman nangunot ang noo.

"Other key card sir?" Takang tanong nito saka agad na may tinignan sa computer. "Kayo po si Mr.fuentabella hindi po ba?" Tanong nito agad naman tumango si axel.

"One key card lang po ang nakalagay dito sir" Sagot nito. "How about ms.ferrer?" Agad naman akong nasaktan sa sinabi nito. Ms.Ferrer? Sabagay asawa nya lang pala ako sa harap ng iba.

Agad na lumingon ang babae sakin at muling tinignan ang screen ng computer at nag type hindi naman nagtagal ay muli akong tinignan ng babae saka ngumiti.

"Maam Anica Courtney po?" Agad akong tumango bilang sagot, agad nitong hinarap si axel. "One room for Mr.Axel Jon Fuentabella and Mrs.Anica Courtney Ferrer Fuentabella po sir" Agad na napasabunot si axel ng buhok.

"Fvck" Mahinang bulong nito.

"Bigyan moko ng isa pang room" Utos nito sa babae, Malungkot akong napatingin kay axel ganto nya ako kaayaw makasama, Pero bakit nya pa ako sinama dito?

"Sir wala na pong available na room" Agad na sagot ng babae. "Then humanap ka ng available kahit hindi dito" Inis na sabi ni axel sa babae kaya naman agad itong kumilos at may tinawagan.

"Sorry sir pero wala na rin daw pong available" Agad ko ng hinawakan si axel sa braso at hinila paalis sa harap ng babae dahil mukhang inis na inis na ito at baka kung ano pa ang magawa nito. Nag paalam nalang ako sa babae at nagpasalamat. Agad nitong tinanggal ang pagkakahawak ko ng makapasok kami sa elevator.

"I hate you" I know di mo na kailangan pang ipamukha sakin.

"I hate myself too" Bulong ko, Hindi ko alam kung narinig nya o hindi pero tingin ko naman ay hindi dahil hindi na ito nagsalita pa.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator agad na itong lumabas at saktong malapit lang din naman ang room namin kaya mabilis kaming nakarating doon.

Binaba ko sa isang tabi ang mga pinamili kong damit bago umupo sa upuan na anduon.

Agad na dumeretso si axel sa banyo para siguro maligo, Agad kong binuksan ang maleta nya at naghanap ng magandang suit na pwede nyang suotin mamaya. at ng makahanap na ako agad ko itong inayos at nilagay sa hanger syempre pinlansya ko din to.

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon